Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong at Marian may rendezvous sa Vegas

Dingdong at Marian may rendezvous sa Vegas

DINGDONG Dantes and Marian Rivera

by Rowena Agilada

PAREHONG busy sa kanilang respective works sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pero hindi “excuse” ’yun para mawalan sila ng time for each other, gaya ng ibang showbiz couples na nauuwi sa hiwalayan. Ang press release nila, no time for each other. Kiyeme!

Sina Dingdong at Marian, talagang gumagawa sila ng paraan para magkita. Pag gusto, may paraan, pag ayaw may dahilan, ’ika nga. Isa ’yun sa mga dahilan kung bakit nagtatagal ang relasyon nina Dingdong at Marian.

May magkahiwalay na events ang Kapuso Primetime King and Queen sa US para sa GMA Pinoy TV Independence Day celebration. Naunang umalis si Marian for Los Angeles, San Francisco, San Diego at Las Vegas. Next week naman ang alis ni Dingdong. Babalik na sana agad sa Pilipinas si Marian after her series of shows. Pero sinabihan siya ni Dingdong na magkita sila sa Las Vegas.

O, di ba, kahit nasa ibang bansa, talagang nag-e-effort sina Dingdong at Marian magkita? Walang sawa factor sa kanila.

Cooking show
Pati cooking show, pinatulan na ni Vic Sotto. Siya ang host ng “Dear Bossing,” 5-minute program na napapanood every Tuesday and Thursday before “The Ryzza Mae Show” sa GMA7. Co-hosts ni Vic sina Manilyn Reynes at Chef Aurora Babes Austria, dating Malacanang Palace executive.

Gamit ang Lucky Me! Namnam Tomato (produkto ng Monde Nissin Corporation), nagbibigay ang tatlo ng solusyon sa cooking problems mula sa letter senders.

Sa mga nagnanais magtanong, ipadala ang inyong sulat kalakip ang pangalan, address at contact numbers at mag-log on sa www.gmanetwork.com/dear bossing or ilagay sa drop boxes ng GMA Network Center.

Retoke isyu
Isyu tungkol sa pagpaparetoke ng mukha ang ilalahad sa “Magpakailanman” ngayong Sabado pagkatapos ng “GMA Blockbusters. Pinamagatang “Ang Inang Retokada: The Michelle Villamor Story,” tampok sina Glydel Mercado, Yayo Aguila, Liza Lorena, Joyce Ching, Kystal Reyes at Teejay Marquez.

Alamin kung ano ang nagtulak kay Michelle (Glydel Mercado) para magparetoke ng mukha. Paano siya tinanggap ng mga anak niya? Ano ang maganda at masamang epekto nito sa kanya?

comments