Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gary Estrada inaming nagtanim ng galit sa ama

Gary Estrada inaming nagtanim ng galit sa ama

GARY Estradaby Rowena Agilada

Ang laki ng iginanda ng resthouse ni Gary Estrada sa San Antonio, Quezon. Ipinakita ‘yun sa “Powerhouse” ni Kara David sa GMA7. May guest house pa kung saan nakatira si Gary with his wife Bernadette Allyson and their 3 daughters. Ang daming fruit-bearing trees sa paligid ng 16 –hectare lot or more. May mga alaga pang kabayo si Gary.

Binata pa siya noong imbitahin niya kami at ilang entertainment writers sa resthouse niya kung saan nag-celebrate siya ng kanyang birthday. Hindi pa tapos ang bahay noon at wala pang mga kagamitan. Kakaunti pa lang ang mga tanim na puno . Lubak-lubak pa ang daan papunta sa resthouse ni Gary.

Ang laki talaga ng ipinagbago nito ngayon,pati estado ng buhay ni Gorio (tawag namin kay Gary). Pulitiko na siya ngayon. Board member siya sa second district ng Quezon.Aniya kay Kara, may ambisyon siyang tumakbo for a higher position dahil gusto niyang tularan ang kanyang uncle Joseph Estrada at pinsang si Senator Jinggoy Estrada. Half-brother ni Gorio ang dating Laguna Governor na si E.R.” Jorge” Ejercito. Tatay nila ang yumaong aktor na si George Estregan na kapatid ni former president, now mayor Joseph Estrada.

Galit
Inamin ni Gorio kay Kara na galit siya sa tatay niya hanggang namatay ito. Pero nawala na ito ngayon at napatawad na niya ito. Ang dating aktres na si Agnes Moran ang nanay ni Gorio na aniya, maliit pa lang siyang bata nang iwan silang mag-ina ng daddy niya. Hindi siya kayang suportahan ng mommy niya, kaya iniwan siya nito sa isang kamag-anak ( o kakilala) sa Cagayan. He was about 7 or 9 years old then.

Nagtanim din siya ng galit sa kanyang mommy at araw-araw siyang umiiyak,ayon kay Gorio.Years later, nagkasama sila muli ng kanyang mommy.Pero never niya itong tinanong kung bakit siya iniwan nito sa Cagayan.

Si Donita Rose ang first showbiz girlfriend ni Gorio. Naghiwalay sila dahil tutol ang mommy ni Donita kay Gorio. Natawa na lang kami nang tanungin si Gorio ni Kara kung totoo bang nagtangka siyang magpakamatay noon . Itinanggi ‘yun ni Gorio. Mag-deny ba? Those were the days!

Happily married ngayon si Gorio kay Bernadette Allyson at thirteen years na silang kasal. Non-showbiz naman ang napangasawa ni Donita, si Eric Villarama at 11 years na silang kasal . Isa pa lang ang anak nila na isang lalaki.

Ninang din
Ninang din si Bela Padilla ni Baby Zion, anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. This Sunday ang binyag at 1st birthday party ng bagets. Isa si Bela sa mga unang pinagkatiwalaan nina Richard at Sarah na ipakita sa kanya si Baby Zion.

Nagkatrabaho sina Richard at Bela sa “Love and Lies,” kapuwa nila huling teleserye sa GMA7. Ninong din ni Baby Zion ang boyfriend ni Bela na si Neil Arce.

Two years na sila together on June 23 at going strong ang relasyon nila. Neil has a son at hindi iysu ‘yun kay Bela. Tita ang tawag sa kanya ng bagets. Bela is 23 years old, 33 naman si Neil. Wala pa silang planong magpakasal dahil ayon kay Bela, bata pa siya at hindi pa siya handa.

Mapapanood si Bela sa medical series ng GMA News TV, ang “Sa Puso ni Doc,” with Dennis Trillo. May indie movie rin si Bela, “Barbara,” remake ng “Patayin Mo Sa Sindak si Barbara.”

comments