Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rocco star-struck kay Ate Guy

Rocco star-struck kay Ate Guy

CARLA Abellana and Rocco Nacino

by Rowena Agilada

MALAPIT nang mapanood ang “My Destiny” na tinatampukan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, kaya may mga lumalabas nang tsika na diumano’y nagkakamabutihan na ang dalawa. Na kesyo, getting closer na raw sina Tom at Carla.

May tsika pang noong patapos na ang “My Husband’s Lover,” unang primetime series na pinagsamahan nina Tom at Carla sa GMA7, diumano’y may “something” na raw na nararamdaman si Tom kay Carla. Kaya lang, pareho silang “taken” at that time. May K-La Rivera si Tom, may Geoff Eigenmann si Carla. Now, parehong single sina Carla at Tom (kung paniniwalaang totoong break na sila ni K-La).

Sa Instagram account ni Carla, may post siyang paggising niya, may someone na nagpangiti at nagpasaya sa kanya. Inisip ng iba na si Tom ’yun. Siya nga kaya?

Nakibahagi
Pinasaya nina Gerald Anderson at Jake Cuenca ang mga shopper sa Trinoma Mall noong nakaraang Independence Day. Nakibahagi ang Kapamilya actors sa event ng HBC sa selebrasyon nito ng National Make Over Day.

Magkasunod na kumanta sina Jake at Gerald. Bumati sa fans at picture-picture sila, kaya hindi magkamayaw ang tilian sa Trinoma Activity Center. Nag-perform din ang dalawa pang Kapamilya actors na sina Aaron Villaflor at Joseph Marco. Hosts ng event sina Shamcey Supsup at Phoemela Barranda.

Nagbigay naman ng beauty tips ang professional image consultant na si Abbygale Arenas-de Leon. Kumuha pa siya sa audience ng isang girl na minake-over niya. Ang laki ng transformation ng girl matapos siyang make-up-an.

Nagkaroon ng free makeover services gaya ng facial and diamond peel, hair color application, hot oil treatment, make-up application, hairstyling, manicure and pedicure, foot spa and hand massage. Ang National Make Over Day ay handog ng HBC sa mga kababaihan dahil sa vision nitong mabigyan ang lahat ng karapatang maging maganda.

Starstruck
Natapos na ni Rocco Nacino ang shooting ng “Hustisya,” film entry sa Cinemalaya. No less than superstar Nora Aunor ang kasama rito ni Rocco with Joel Lamangan at the helm.

Isang abugado ang role ni Rocco na bad influence sa isang probinsiyana (Nora Aunor). Ayon sa GMA Artist Center talent, nagpunta pa siya sa Hall of Justice para obserbahan ang mga abugadong sumasalang sa hearing. “Medyo nahirapan ako sa karakter ko dahil naunahan ako ng kaba,” ani Rocco.

Star-struck daw siya kay Nora at nasa isip naman niya na terror director si Lamangan. Sinabihan daw siya nito ng, “Rocco, more confidence!” Very supportive naman sa kanya si Nora at sinabihan siya nitong ibuhos niya lahat ng emosyon sa mga eksena para lumabas ang galing niya sa pag-arte “At least, kahit papaano, nakaagapay ako sa acting niya (Nora). Anak ang tawag niya sa akin,” sambit ni Rocco.

comments