Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Derrick-Barbie chances for romance nil

Derrick-Barbie chances for romance nil

DERRICK Monasterio and Barbie Forteza2

by Rowena Agilada

HUWAG nang ipilit na posibleng magkaroon ng “something” sina Derrick Monasterio at Barbie Forteza. Huwag nang umasa pa ang kanilang fans and supporters na magkakadebelopan ang dalawang Kapuso tweenstars dahil hanggang friends lang talaga sila.

Ilang teleserye na ang pinagsamahan nina Derrick at Barbie sa GMA7 at parati silang kinukulit-kulit, pero wa epek talaga. Mukhang walang spark talaga sila sa isa’t isa. Iba ang kanilang crush dahil hanggang ngayon ay si Dennis Trillo pa rin ang kinakikiligan ni Barbie. Noong “Tweenhearts” days nila, si Bea Binene ang crush ni Derrick kahit pa ang ka-love team niya ay si Lexi Fernandez. Nasaan na nga ba ngayon si Lexi?

Naging crush din ni Derrick si Sarah Lahbati. And now, balitang ang kapatid ni Yassi Pressman ang apple of his eye. Biniro nga namin si Derrick na mahina kasi siya at “papatay-patay,” kaya naunahan siya ni Jake Vargas kay Bea at ni Richard Gutierrez kay Sarah na may Baby Zion na.

MARK Herras

Naudlot
Wala pa kaming balita kung ano ang next project ni Mark Herras sa GMA7 pagkatapos ng “Rhodora X.” Sa SAS (“Sunday All Stars”) pa lang siya napapanood. Mabuti naman at pinabalik na si Mark sa naturang Sunday show. Sinuspinde siya dahil sa mga naging pahayag niya nang tanggalin sa SAS ang ilang kasama niya roon.

Si Mark ang tinaguriang Bad Boy ng Dancefloor; si Marian Rivera naman ang Dancing Queen. Sana, i-guest si Mark sa dance/talk show ng Kapuso Primetime Queen. Ang ganda sigurong panoorin na magkasama silang humahataw sa sayaw.

Throwback lang, niligawan noon ni Mark si Marian. Muntik nang maging “sila” kung hindi lang nagkabalikan sina Mark at Jennylyn Mercado. Gumawa noon ng pelikula abroad sina Mark at Jen. Bago sila bumalik ng Pilipinas ay nagkabalikan sila. Sa pagkakaalam namin, sasagutin na sana ni Marian si Mark pagbalik nito sa Pilipinas. Naudlot dahil nagkabalikan sina Mark at Jen, pero nauwi rin sa hiwalayan.

comments