Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Hindi kawala, says Carla

Hindi kawala, says Carla

RYAN Agoncillo and Carla Abellana2
by Rowena Agilada

Sabi ni Carla Abellana, hindi kawalan sa kanya kung hindi siya binati ng ex-boyfriend niyang si Geoff Eigenmann nitong nakaraan niyang birthday (June 12). Aniya, pumunta pa siya noong birthday (March) ni Geoff kahit break na sila noon. “Okey lang kung hindi niya ako binati,” wika ni Carla na inaming hindi pa siya totally nakaka-recover sa break-up nila ni Geoff.

Kunsuwelo na lang ni Carla na may magandang kapalit ang pagiging heartbroken niya. Maraming dumarating na trabaho sa kanya ngayon. Tatlo ang show niya sa GMA7, SAS (“Sunday All Stars”), “Ismol Family”, at “My Destiny.”

Every Sunday ang “Ismol Family” na magsisimula sa June 22 pagkatapos ng “24-Oras Weekend”. Malapit na ring mapanood ang “My Destiny” with Tom Rodriguez.

Si Ryan Agoncillo ang kapareha ni Carla sa “Ismol Family” na first time ng Kapuso actress sa isang sitcom. “I love it,” bulalas ni Carla. “Wala namang adjustments dahil galing ako sa ‘So It’s You,’ comedy movie na ginawa ko with Tom Rodriguez. Hindi na ako nanibago sa ‘Ismol Family’. Masarap katrabaho si Direk Dom Zapata. Nagkatrabaho na kami sa ‘My Husband’s Lover’ pati si Ryan,” saad ni Carla. Wish nga niya na mag-guest sa “Ismol Family” ang misis nitong si Judy Ann Santos.

Honeymoon
Simple lang ang Father’s Day celebration ni Ryan Agoncillo. Nag-family dinner lang sa bahay nila ni Juday na ang mommy Carol nito ang naghanda. ‘Andun din ang brother at parents ni Ryan.

Kinabukasan (June 16), umalis papuntang Singapore sina Ryan at Juday kasama ang dabarkads ng “Eat Bulaga.” Ani Ryan, bale extension ‘yun ng birthday celebration ni Vic Sotto at Father’s Day celebration na rin. Hindi kasama nina Ryan at Juday ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho. Ani Ryan, parang honeymoon na rin nila ‘yun dahil gusto na nilang sundan si Lucho na mag-po-four years old na sa October.

Three to four children ang gusto ni Juday, tatlo naman ang gusto ni Ryan na aniya, feeling niya’y excellent dad siya. Marami raw siyang natutunan mula sa kanyang daddy and still learning pa siya. “Hindi naman mahirap maging dad. I’m working hard to give the best to my children. Mapag-aral ko sila at mapakain. Good natured kids ang mga anak ko at importante kung sino ang mga taong nakapaligid sa kanila,” words to that effect na pahayag ni Ryan.

Intriga
Si Marc Justine Alvarez ang gumaganap na anak nina Ryan Agoncillo at Carla Abellana sa “Ismol Family.” Nag-join siya sa “Talentadong Pinoy” (hosted by Ryan Agoncillo) noong six years old siya at nagpamalas siya ng talento sa pag-arte. Nine years old na ngayon si Marc at nag-aaral sa Laong Laan Elementary School.

Si Marc din ang gumaganap na adopted son nina Maricel Soriano at Dingdong Dantes sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Ani Marc, parehong mabait sina Ryan at Dingdong. Pero ang favorite actor niya ay si Senator Bong Revilla na nakasama niya sa “Indio.”

Asked kung mabait ba si Maricel at kung masarap ba itong katrabaho, “Opo,” sagot ni Marc. Nagtataray ba si Maricel sa taping nila? “Hindi po,” sagot ng bagets. O, hayan, hindi nagsisinungaling ang mga bata. May intriga kasi na diumano, sakit ng ulo ang Diamond Star sa set ng “Ang Dalawang Mrs. Real.”

Pagtatanggol ng kanyang kampo, once or twice lang daw na-late ng dating si Maricel sa taping. Bakit daw hindi nasusulat na mas madalas ay maaga siyang dumarating? Ang tagal pa raw nito naghihintay bago makunan, pero hindi raw nagrereklamo ang Diamond Star. Clueless ang kampo ni Maricel kung sino ang nagkakalat ng negative stories about her para sirain ito.

comments