Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Angel: Di na pakakawalan si Luis

Angel: Di na pakakawalan si Luis

BIANCA Umali

by Rowena Agilada

Itsurang may toy kingdom si Baby Zion, anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Ang daming nag-regalo ng toys sa bagets noong binyag-birthday party nito. Pabonggahan ang mga ninong at ninang ni Baby Zion sa kanilang gifts.

Post ng kanyang Daddy Richard sa Instagram account nito: “In just over a year Zion surpassed my garage already. He now owns a 4×4, a BMW sports car, a motorcycle, scooter, train and everything was given to him. What a blessed kid! Thank you ninongs and ninangs for Zion’s garage collection.”

Balance bike, toy cleaner and other activity toys ang regalo ni Angel Locsin (isa sa mga ninang) at Luis Manzano. Ano naman kaya ang regalo ni Governor Vilma Santos-Recto na ninang din ni Baby Zion? Mag-kumare sina Gov. Vi at Angel dahil kay Baby Zion. Kapag naging asawa ni Angel si Luis, mag-biyenan naman sila ni Gov. Vi. Ano ‘yun? Mag-kumareng mag-biyenan sila?

Tinanong nga pala si Angel ng isang TV host noong nagkita sila sa binyag-birthday party ni Baby Zion kung kailan ang kasal nila ni Luis. “Hindi ko na ito pakakawalan,” sagot ni Angel. Joke naman ni Luis, hinihintay na lang niya ang marriage proposal ni Angel.

May nag-post naman sa isang Instagram account na sana raw kapag nagka-baby sina Luis at Angel ay Baby Tiger naman ang name para raw may kalaro si Baby Zion (as in tunog lion).

Kalbo
New look ngayon si Mark Herras. Nagpakalbo siya. May pinagdaraanan kaya si Mark? Sa mga babae kasi, kapag heartbroken, nagpapagupit ng buhok.

Baka naman feel lang ni Mark magpakalbo? Mas makapal pa ang mga kilay niya kesa buhok niya sa ulo. Sa mga nakakita kay Mark sa ipinost niyang picture sa kanyang Instagram account, may mga hindi nabagayan sa kanyang kalbo look. Nagmukha raw siyang older version ni KC Montero.

Mas marami ang may gustong may buhok si Mark dahil mas malakas ang appeal niya. Mas gumuwapo nga siya ngayong tatay na rin siya. Mas maaliwalas daw ang itsura ni Mark simula nang aminin niyang may anak na siya, si Baby Ada na seven months old na.

Parang si Richard Gutierrez na jolly mood parati mula nang aminin niyang may anak na sila ni Sarah Lahbati.Waring hindi nauubusan ng kuwento si Richard tungkol kay Baby Zion. Parati rin siya (pati si Sarah) nagpo-post sa IG ng pictures ng bagets.

Ayaw pa mag-paligaw
Hindi nakadalo si Miguel Tanfelix sa presscon ng “Ismol Family” dahil may sakit siya. Present si Bianca Umali na tinukso muli ng press kung may namumuo na raw bang “something” sa kanila ni Miguel.

Mukhang ipinu-push ng GMA7 ang teen-love team nina Miguel at Bianca. Magkasama rin sila sa “Niño.” Bagay naman sila, pero ani Bianca, at her age (she’s 14 years old), ayaw muna niyang mag-paligaw. “Career muna,” ang old cliché na sabi ni Bianca.

Sa “Ismol Family,” she plays Yumi, ang pretty pamangkin nina Jingo (Ryan Agoncillo) at Majay (Carla Abellana). First sitcom ito ni Bianca, kaya enjoy siya. Nasanay kasi siya sa madadramang afternoon series na ginawa niya sa GMA. “Masaya kami sa set (‘Ismol Family’). Magagaan ang mga eksena, walang iyakan,” ani Bianca. “Ismol Family” airs every Sunday starting June 22 after 24 Oras Weekend. Kasama rin sa cast sina Mikael Daez, Kevin Santos, Carmi Martin, Marc Justine Alvarez, Pekto Nacua at Natalia Moon. Directed by Dominic Zapata.

comments