Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lovi Poe: ‘Hindi ako maghahabol sa lalaki’

Lovi Poe: ‘Hindi ako maghahabol sa lalaki’

LOVI Poe and Dingdong Dantes

by Rowena Agilada

Opposite ng character niya sa totoong buhay ang role ni Lovi Poe bilang Shiela sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Aniya nang nakausap namin sa taping nito, in real life, hindi siya naghahabol sa lalaki at never niyang gagawin ‘yun kahit pa sobrang mahal niya ito. Hindi siya aggressive tulad ng character ni Shiela na nagpabuntis pa sa isang lalaki na hindi niya alam na may asawa na.

“Wala sa personality ko ‘yun. I can always find someone better. Hindi buong buhay ko’y nakasentro lang sa isang lalaki. I have my own life. I have to love myself first. I give a lot, pero may limitations (laughs),” she said.

Wedding scene nina Lovi at Dingdong Dantes (as Anthony Real) ang kinunang eksena nang dumalaw kami sa taping ng “Ang Dalawang Mrs. Real.” Asked kung anong dream wedding niya, “Hindi ko pa pinag-iisipan ‘yan,” ani Lovi. “Hanggang hindi ko pa nahahanap at nararamdaman ang right guy.”

Better-off as friends
Throwback sa naging relasyon noon nina Janno Gibbs at Manilyn Reynes sa presscon ng “My BFF,” first sitcom ever together nila sa GMA-7. Produkto sila ng “That’s Entertainment” at doon sila nagkaroon ng “something.” Ani Janno, masyado pang bata si Manilyn, kaya away-bati sila noon. Ang kantang “Always” ang kanilang theme song.

Ipinaalala ng isang reporter na si Bing Loyzaga (na dati rin nilang kasama sa “That’s Entertainment”) ang dahilan kaya naghiwalay sina Janno at Manilyn. “Naku, matagal na ‘yun. Okey na kami ngayon ni Bing. Walang problema kung mag-ge-guest siya sa “My BFF.” Sinabi ko ‘yun kay Janno,” sambit ni Manilyn.

Sinang-ayunan naman ni Janno si Manilyn na aniya, hindi man sila nagkatuluyan ni Manilyn, they’re better-off as friends. Gusto rin niyang mag-guest ang husband ni Manilyn na si Aljon Jimenez. Pero ayon kay Manilyn, hindi pa ito handa na balikan ang pag-arte. May mga offer nga raw na teleserye, pero tinatanggihan ni Aljon.

Si Aljon ang tumatayong manager ngayon ni Manilyn. Soon ay magbubukas sila ng food business na pamamahalaan ni Aljon, kaya ayaw muna nitong tumanggap ng teleserye.

Mag-asawa sina Janno at Manilyn sa “My BFF” at anak nila si Mona Louise Rey. Si Jillian Ward ang BFF ni Mona. “My BBF” premieres on June 30 before 24 Oras.

comments