Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gabby at Gardo bumigay na

Gabby at Gardo bumigay na

Gardo Versoza and Gabby Eigenmann

by Rowena Agilada

‘Kaaliw ang trailer ng “Dading” at talagang patalbugan sina Gabby Eigenmann at Gardo Verzosa sa kanilang gay roles. Talyadang-talyada si Gardo sa kanyang outfits na girl na girl talaga. Aniya sa presscon, kinarir niya talaga at abangan daw sa mga susunod na episodes ng “Dading” na naka-short shorts siya. Nagpapapayat pa raw siya para mas lalo pang sexy ang dating niya.

Nang ialok sa kanya ng GMA ang gay role, agad-agad ay tinanggap niya. “With open arms and legs (laughs),” ani Gardo. Naka-pink long sleeves polo shirt pa siya nang dumating sa presscon na joke niya, “Magka-come out na ako.”

Naging emotional naman si Gabby at napaiyak matapos mapanood ang trailer ng “Dading.” Aniya, sobrang saya siya, overwhelmed at feeling blessed. First title role niya ito at pinasalamatan niya ang GMA7 sa magandang pagkakataon at biggest break ever na ibinigay sa kanya.

“It’s not just me, but the whole cast. Team effort kami. I’m happy and grateful to be working with them,” sambit ni Gabby. Aniya pa, binibigyan siya ng pointers ng kanyang daddy (Mark Gil) sa tamang pag-atake sa gay role. Asked sa health condition nito ngayon, paiwas ang sagot ni Gabby. “He’s okey. Hindi kami nagkikita lately. Kung meron man siyang pinagdaraanan ngayon, gusto niyang sa kanya manggaling,” lahad ng Kapuso actor.

Valerie Concepcion

Blooming
Blooming ang aura ni Valerie Concepcion, kaya naman sa presscon ng “My BFF,” tinanong siya ng press kung in love ba siya? “Ano sa tingin n’yo?” (laughs) balik-tanong ni Valerie.

Nagpakatotoo naman siya nang sabihin niyang may non-showbiz boyfriend siya. Graduate ito ng Medicine at magbo-board exams na lang. Four months pa lang sila together. Huling nakarelasyon ni Valerie ang basketball player na si Dondon Hontiveros na more than five years tumagal ang kanilang relasyon. Muntik pa nga humantong sa kasalan. Feeling ni Valerie, hindi pa siya handang magpakasal noon, kaya naudlot.

Para magkaroon din siya ng college degree, nag-aaral ngayon si Valerie. Marketing ang course niya sa AMA Computer School at scholar siya ni Congressman Roman Romulo (husband ni Shalani Soledad).

Single mother si Valerie sa nine-year old daughter niyang si Fiona na aniya, okey lang sa anak niya kung mag-asawa siya. Gusto na nga raw nito ng baby brother.

Sa “My BFF,” mother role si Valerie. Kontrabida na naman siya na aniya, enjoy naman siya. Maarte at malanding kontrabida siya na dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawang Christian (Janno Gibbs) at Lyn (Manilyn Reynes). Sa Lunes magsisimula ang “My BFF” bago mag-24 Oras sa GMA7.

And more
Tampok sa “Magpakailanman” ang inspiring story ni Chef Boy Logro. Pinamagatang “Kusina Master, Da Best Father: The Pablo “Chef Boy” Logro Story,” ilalahad ang kuwento ni Chef Boy kung paano siya nagtagumpay sa buhay. Tampok sina Phillip Salvador, LJ Reyes, Glenda Garcia, Marc Acueza, Tanya Gomez, Betong Sumaya, atbpa.

Hahataw naman sa sayawan ang limang celebrity contestants na maglalaban para sa grand finals ng “Celebrity Dance Battle” on June 28. R1-million ang premyo sa mananalo.

Sino ang bet n’yo kina Priscilla Meirelles, Ciara Sotto, Iwa Moto, Gary David (PBA player) at wild card finalist na si Rafa Siguion-Reyna? Hosted by Lucy Torres-Gomez with Semerald twins Anthony and David, “Celebrity Dance Battle” airs at 9:15 p.m. on TV5 tonight.

comments