Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Baduy noon, sopistikada na ngayon

Baduy noon, sopistikada na ngayon

GLAIZA De Castroby Rowena Agilada

Ganda-gandahan at seksi-seksihan si Glaiza de Castro sa presscon ng “Dading,” kaya tinanong siya ng press kung may nagpapaganda ba sa kanya . “Wala, ah!” naka-smile na sagot ni Glaiza. Bumagay sa kanya ang fuschia pink sleeveless dress na hapit sa kanyang katawan at labas ang kanyang legs.

Pansin pa ng press, ibang-iba na ang aura ni Glaiza na sophisticated na ang dating at may taste na sa pananamit. “Baka may stylist na siya ngayon,” sabi ng isang reporter. “Dapat lang dahil baduy siyang manamit noon,” sabad ng isang reporter.

Si Gabby Eigenmann ang gay boyfriend ni Glaiza sa “Dading”, kaya natanong siya kung posible bang sa tunay na buhay ay ma-in love siya sa isang bading. “Why not?” aniya. “Choice mo na ‘yun kung gusto n’yong magsama o hindi.”

May nanligaw na ba sa kanya na bading? “Wala pa namang nagpanggap (laughs),” saad ni Glaiza.

In any case, aniya, sobrang sarap ng pakiramdam niya na katrabaho si Gabby. Ani Glaiza, isa ito sa mga hinahangaan niyang aktor at feeling niya, hindi siya umaarte kapag ka-eksena si Gabby. “Ang galing-galing niya,” sambit ni Glaiza.

Umiwas
Nagtaka ang ilang malalapit na entertainment writers kay Direk Ricky Davao noong presscon ng “Dading.” Dati kasi, kapag nakita niya ang mga ito, agad-agad lumalapit siya at nakikipagtsikahan.

Pero noong presscon, pagkatapos niyang bumeso, layo agad si Direk Ricky nang sabihin ng isang reporter na may itatanong ito. Iwas-pusoy ang actor-director.

May isyu kasi kay Direk Ricky noong dumalo ito sa binyag-birthday party ni Baby Zion (anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati). ‘Andun din kasi ang estranged wife niyang si Jackielou Blanco at ang isang society girl na na-link sa kanya. Gusto sanang tanungin ng reporter si Direk Ricky tungkol sa pagkikita nilang tatlo sa naturang event. Pero ‘yun nga, umiwas ito noong presscon ng “Dading.”

Game show
Si Ogie Alcasid na ang host ng “Let’s Ask Pilipinas” sa pagbabalik nito sa ere next month. Daily game show ito ng TV5 na pwedeng manalo ng P 500,000 araw-araw at pwedeng maglaro sa bahay gamit ang computer at internet. Hindi na kailangang pumunta sa studio para pumila at sumali.

Pati ang mga Pinoy na nagtatrabaho abroad ay pwedeng mag-audition, mag-log-on lang sa http://www.tv5.com.ph/show/letsaskpilipinas.

comments