Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jake at Bea: Nagli-live in na?

Jake at Bea: Nagli-live in na?

JAKE Vargas and Bea Binene

by Rowena Agilada

Hinangaan ang breakdown scene ni Dingdong Dantes sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Ang galing-galing ng Kapuso Primetime King sa eksenang magkausap sila ni Maricel Soriano na hindi niya masabi ang problema niya. Mapipilitan kasi siyang pakasalan si Lovi Poe (as Shiela) dahil nabuntis niya ito.

Nakausap namin si Dingdong sa taping ng “Ang Dalawang Mrs. Real” na aniya, kung mangyayari ‘yun sa kanya sa tunay na buhay, baka raw magpakain na lang siya sa lupa. “Ewan ko! Magulo ang eksena. Parang mahirap gawin. Pero somehow ay nakaka-relate ako sa rami ng mga nagawa ko sa buhay (laughs),” saad ni Dingdong.

Madali ba siyang matukso? Aniya, hindi naman maiiwasan ‘yun paminsan-minsan dahil tao lang siya. “Pero nababalanse ko naman. Friendly kasi ako, pero may hangganan,” ani Dingdong.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya kay Maricel Soriano? “It’s getting better and better. Masaya. Wala namang problema,” sambit ni Dingdong. “With Lovi naman, komportable na kami sa isa’t isa. Ang dami pang mangyayari sa serye namin na dapat abangan. Ang dami pang conflicts.”

Pahinga muna ang puso
Kahit lonely heart, lovely pa rin si Chynna Ortaleza matapos ang break-up nila ni Railey Valeroso. More than 10 years ang naging relasyon nila.

Mukha namang naka-move on na si Chynna na busy-bisihan naman sa bago niyang project sa GMA7. Kasama siya sa “Dading” na aniya, excited siya sa kanyang role dahil hindi na siya kontrabida. Sexy at social ang karakter niya bilang Cynthia na handang ibigay lahat para sa lalaking mahal niya.

Wala siyang bagong boyfriend after Raily. Pahinga muna ang puso ni Chynna. Sa presscon ng “Dading,” tinanong siya kung posible kayang ma-in love siya sa isang bakla. “Posible,” ani Chynna. “Marami akong kaibigang bading. Sa panahon ngayon, open ako sa possibility na mai-in love ako sa isang bading.”

Tampok sa “Dading” sina Gabby Eigenmann, Gardo Verzosa, Benjamin Alves, RJ Padilla, Mymy Davao. Directed by Ricky Davao at mapapanood simula ngayong Lunes (June 23) pagkatapos ng “The Half-Sisters” sa Afternoon Prime block ng GMA.

Live-in na?
May isyung diumano’y nagli-live-in na sina Jake Vargas at Bea Binene. Kaya naman nang nakita namin si Kuya Germs (German Moreno) sa presscon ng “Dading,” tinanong namin siya kung totoo ba ang tsismis? Itinanggi ni Kuya Germs na nagli-live-in sina Jake at Bea . Aniya, madalas lang nasa bahay nina Bea si Jake, kaya napagkakamalang nagli-live-in na ang dalawa.

“Bata pa si Bea at alam kong hindi sila gagawa ni Jake ng masama. Mas mainam na ‘yung sa bahay nina Bea nagpupunta si Jake, kesa mabarkada siya sa Olongapo. Mas kampante ang loob ko dahil alam kung nasaan si Jake,” pahayag ni Kuya Germs.

Ang ikinaiinis ni Kuya Germs, pinaghihinalaan pa siya ng ibang tao . Binibigyan ng malisya ang talent-manager relationship nila ni Jake. Aniya, hindi siya kumukuha ng komisyon sa alaga niya bilang manager. Gusto lang niyang makatulong dahil gano’n din siya sa ibang talents na tinutulungan niya. “Masaya ako kapag nakakatulong sa mga artistang nakikita kong nagsusumikap sa kanilang trabaho,” saad ni Kuya Germs.

comments