Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur, ayaw na pag-usapan ni Kylie

Aljur, ayaw na pag-usapan ni Kylie

ALJUR Abrenica

by Rowena Agilada

Hindi talaga napilit ni Lolit Solis si Kylie Padilla sabihin sa “Startalk” kung sino o ano ang tunay na dahilan ng breakup nila ni Aljur Abrenica. Ani Kylie, secret forever ‘yun dahil iniingatan niya na may masaktan.

Ilang beses binanggit ni Lolit ang isda na obviously, si Louise delos Reyes ang tinutukoy niya. Panay lang ang ngiti ni Kylie. Bakit nga ba hindi isinama ang name ni Louise sa mga taong binanggit ni Lolit na may pahayag si Kylie sa bawat isa? Sinadya kaya ‘yun dahil baka may masabi si Kylie?

Mukhang hurting pa rin si Kylie dahil ayaw na niyang pag-usapan si Aljur. Ayaw na raw niyang makipagbalikan sa ex-boyfriend. “Ayoko na. May natutunan na ako. Hindi dapat ibigay lahat sa taong minamahal mo. Move on na. Tapos na ako diyan,” saad ni Kylie.

No sibling rivalry
Hindi isyu kay RJ Padilla kung mas sikat sa kanya ang half-brother niyang si Daniel Padilla. Si Rommel Padilla ang father nila. Ani RJ, wala silang sibling rivalry ni Daniel at happy siya for Daniel sa tinatamasa nitong tagumpay at kasikatan. Walang inggit factor sa kanya, ayon kay RJ.

Magkalaban ang networks na pinagtatrabahuhan ng half-brothers. Kapamilya si Daniel, Kapuso si RJ. Napapanood si RJ sa “Bubble Gang” at kasama rin siya sa bagong Afternoon Prime series na “Dading.”

Isang user na boyfriend ni Carding (Gabby Eigenmann) ang role ni RJ. In real life, wala pang nanligaw na bading sa kanya, ayon kay RJ. Magugulat daw siya kapag may nanligaw sa kanya. Gay friendly naman daw siya, pero hindi raw siguro aabot sa puntong makikipag-relasyon siya.

Inintriga lang
Si Richard Gutierrez ang dating itinuturing na Kapuso Primetime King. Si Dingdong Dantes na ngayon ang Hari. Pero ayon kay DD, hindi big deal sa kanya ang title na ‘yun.

Marami ang natuwa noong nagpunta siya sa binyag/birthday party ni Baby Zion (anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati). Patunay na walang bad blood between him and Richard.

May request ang fans nina Chard at Dong na sana raw ay mag-guest si Chard sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Why not? Eleven years siyang naging Kapuso at maganda ang pinagsamahan nila ng GMA Network.

Sabi ni Dingdong, maliit lang ang industriyang ginagalawan nila ni Richard at open siya sa posibilidad na magkatrabaho sila sa isang proyekto.

Ani Dingdong, wala naman silang naging conflict noon ni Richard. Inintriga lang sila ng ibang tao.Good friends sila at nagkakasama pa sila sa mga motorcycling tour dahil pareho silang kagrupo ng Ducati Motors.

Repeat
Dahil sa kahilingan ng marami, magkakaroon ng repeat ang “Gary V. Arise!” concert ni Gary Valenciano. Gaganapin ito sa August 2 sa SM Mall of Asia Arena. Bale pre-birthday concert na rin ito ni Gary na August 6 ang birthday.

Successful ang unang pagtatanghal ng 30th anniversary concert na ito ni Gary last April sa Araneta Coliseum. Sa repeat nito sa SM MOA, guest performers sina Rico Blanco, Iya Villania, The Manouevers, at ang mga anak ni Gary na sina Kiana at Gab. Graduating si Gab from Full Sail University sa Florida, USA with a degree in Recording Arts.

comments