Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jinggoy, takot sa ipis

Jinggoy, takot sa ipis

ROBIN Padilla

by Rowena Agilada

Umaapela si Robin Padilla kay President Noynoy Aquino na ikunsidera bilang National Artist si Nora Aunor. Ani Robin, walang boundary at hindi pwedeng husgahan ang Superstar sa aspeto ng moralidad.

Gustong malaman ni Robin ang tunay na dahilan kung bakit hindi na kasama si La Aunor sa listahan ng National Artists na inaprubahan ni Pangulong PNoy. “Hindi pwedeng no comment. Nagtatanong ang bayan. Siya (Nora Aunor) ang nag-iisang Superstar hanggang ngayon sa rami ng kanyang tagumpay,” words to that effect na pahayag ni Robin sa “Umagang Kay Ganda.”

May pahayag din si Atty. Trixie Angeles, legal counsel ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts) na aniya, hindi isyu ang moralidad at hindi batayan ‘yun sa pag-rekomenda nila kay Nora Aunor para mapabilang ito sa listahan ng National Artists na isinumite nila sa Malacañang. Aniya pa, wala pa silang notification mula sa Malacañang at narinig lang daw nila mula sa media kung bakit natanggal ang pangalan ni Nora Aunor.

Isa sa mga pinag-iisipan nilang options ay ibalik (o isumite) muli ang pangalan ni Nora Aunor sa Malacañang for reconsideration. Mag-mi-meeting din daw ang mga bumubuo ng NCAA. By this time, hopefully, may panibagong development hinggil sa isyu.

SEN Jinggoy Estrada3Takot sa ipis
Magka-kosa na ang mag-BFF (best friends forever) na sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada. Pareho na silang pansamantalang nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center na ayon sa report, dingding (o pader) lang daw ang pagitan nila.

Curious lang kami, may mga daga at ipis din kaya ang selda ni Senator Jinggoy? Takot kasi siya sa ipis. Naalala naming noong dumalaw kami sa set ng isang pelikulang ginawa niya noon (hindi pa siya senator), noong nakakita siya ng ipis ay kita ang takot sa mukha ni Sen. Jinggoy na hindi namin inasahan sa isang katulad niya.

Nangako naman ang mga taga-PNP na gagawan nila ng paraan para mawala na ang mga daga at ipis sa magkahiwalay na selda nina Sen. Bong at Jinggoy.

SEN Bong RevillaWalang iwanan
Hats-off kami kay Phillip Salvador na BFF din nina Sen. Bong Revilla at Jinggoy Estrada. Hindi niya iniwan ang dalawang kaibigan at todo-suporta si Ipe. Sinamahan niya si Sen. Bong sa pagpunta sa Sandiganbayan hanggang ikulong ito sa PNP Custodial Center. Gano’n din ang ginawa ni Ipe kay Sen. Jinggoy. Kung pwede lang siguro samahan niya ang dalawang BFF niya hanggang kulungan, ginawa ni Ipe.

Kung buhay din ang isa pa nilang BFF na si Rudy Fernandez, tiyak kasama rin ito at karamay sa matinding pinagdaraanan ngayon nina Sen. Bong at Jinggoy. Pansin lang namin, parang simbolo ng showbiz ang mugshots ng dalawa. Nakangiti si Sen. Bong, seryoso at malungkot naman si Sen. Jinggoy. Ganyan ang dalawang mukha ng showbiz.

comments