Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mga anak ni Mark, clueless sa health niya

Mga anak ni Mark, clueless sa health niya

RICH Asuncion and Sid Lucero

by Rowena Agilada

Pagkatapos ng bait-baitan role sa “Kambal Sirena” na final episode this Friday, balik-kontrabida role na naman si Rich Asuncion sa bago niyang project, “Yagit,” upcoming Afternoon soap ng GMA. Gaganap siya bilang Odette Patacsil, played by Amy Austria sa original version nito. Bilang Odette, gagawin niya lahat makuha lang ang pagmamahal ni Victor ( James Blanco), sukdulang masira niya ang relasyon nito and his partner , Dolores Macabuhay (Yasmien Kurdi).

Okey lang ba sa kanya na ma-typecast sa kontrabida role? “Mas challenging ‘yun para sa akin. Kung pano magiging effective ang pagbibitiw ko ng dialogue,”anang GMA Artist Center talent.

Ano ang motivation niya sa pagganap sa kontrabida role? “’Yung mga taong nagda-down sa akin noon. ‘Yung mga namimintas na hindi naman ako pang-artista. ‘Yung mga taong nanakit sa akin noon.”

Kasama ba du’n ang ex-boyfriend niyang si Aljur Abrenica? “Mabait naman si Aljur (laughs),” ani Rich. Eh, ang isa pa niyang ex-BF na si Ervic Vijandre? “Mabait din naman siya (laughs again),” sagot ni Rich.

Kahit magkasama sina Aljur at Rich sa “Kambal Sirena,” aniya wala silang eksenang magkasama ni Aljur. Magkaiba raw ang unit nila.

Sila ni Louise delos Reyes ang may mga eksena sa KS, ani Rich. May nasabi ba o naikuwento si Louise tungkol sa kanila ni Aljur? “Wala naman. Papable si Aljur. Marami talagang babaeng nagkakagusto sa kanya. Marami akong nakikitang lumalapit sa kanya, nagpaparamdam (laughs),” saad ni Rich.

Malabong kausap
Naguluhan kami sa sagot ni Sid Lucero nang tanungin siya sa presscon ng “My Destiny” tungkol sa kalagayan ng kanyang daddy (Mark Gil). “May sakit daw? Ewan ko! Sakit sa puso. Sakit sa utak (laughs), “aniyang pabiro. “Sinasabihan din niya ako na sira-ulo ko (laughs).”

Aniya , matagal na silang hindi nagkikita ng dad niya. Gano’n din ang sinabi ng half-brother niyang si Gabby Eigenmann sa presscon ng “Dading.” Simpleng text o tawag lang sa telepono, hindi ba nila kayang gawin ‘yun para kumustahin ang kalagayan ng kanilang daddy? Gano’n ba sila ka-busy para hindi nila ma-text, matawagan o madalaw ang daddy nila sa bahay nito?

Si Andi Eigenmann na half-sister nila, busy-bisihan din kaya na wala rin siyang time para kumustahin ang kalagayan ng kanilang daddy?

Nang tanungin naman si Sid tungkol sa kanila ni Alessandra de Rossi, “Tsismis lang ‘yun!” bulalas ni Sid sabay tawa nang malakas. Bulong ng manager niya, constant date ni Sid si Alex. Sid plays Jacob Perez in “My Destiny” na mai-in love kay Grace (Carla Abellana).

Final dance showdown
This Saturday (June 28) ang grand finals ng “Celebrity Dance Battle” at 9 pm sa TV5. Sino kaya kina Gary David, Iwa Moto, Ciara Sotto, Priscilla Meirelles at Rafa Siguion-Reyna ang mag-uuwi ng P 1-million grand prize at tatanghaling first-ever Celebrity Dance Battle champion?

Para kina Gary, Iwa, Priscilla at Rafa, si Ciara ang biggest threat sa kanila. Sabi ni Iwa, gusto niyang kidnapin si Ciara para hindi ito makasipot sa final dance showdown.

Sabi naman ni Rafa, mas stressed pa kesa sa kanya ang mommy Bibeth Orteza niya. Panay daw ang text nito sa kanya.

Happy naman si Priscilla na nakasama siya sa finalists. At least daw, may napatunayan siya na kaya rin niyang sumayaw.

Ang basketbolistang si Gary ng Gilas team, may dance group siya noon sa Bataan na parating sumasali sa mga dance competitions. Mas mahirap daw sumayaw kesa mag-basketball.

comments