Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Loveless pero blooming

Loveless pero blooming

Carla Abellan and Rhian Ramos

by Rowena Agilada

PAREHONG loveless, pero blooming sina Carla Abellana at Rhian Ramos noong presscon ng “My Destiny.” Kung si Carla ay nagsabing hindi pa totally healed ang broken heart niya dahil sa break-up nila ni Geoff Eigenmann, mukhang fully recovered na si Rhian sa break-up nila ni KC Montero. Mas nauna silang naghiwalay kesa kina Carla at Geoff.

Nali-link ngayon si Rhian kay Marc Nelson, pero mariing itinanggi ito ng Kapuso actress. Aniya, friends lang sila. No more, no less. Itinanggi rin ni Rhian na nagdi-date sila ni Marc. Nagkikita lang sila sa isang gym kung saan pareho silang nagwo-workout. ‘Yun lang ‘yun!

Ani Rhian, walang someone special sa buhay niya ngayon. Gaya ng ibang galing sa break-up, work muna ang focus niya ngayon. Happy siya na pagkatapos ng “Genesis” with Dingdong Dantes, isinama siya ng GMA7 sa “My Destiny” (MD) with Carla Abellana and Tom Rodriguez. Magkapatid sina Carla at Rhian na may sa kit na leukemia. MD premieres tomorrow sa GMA Telebabad after “Nino.”

Kilig-kiligan
Hindi isyu kay Thea Tolentino kung kontrabida siya sa “The Half-Sisters” at inaapi-api niya si Barbie Forteza. Produkto si Thea ng “Protege: The Battle for the Big Artista Break” at kabilang ngayon sa young female kontrabidas ng GMA Artist Center.

“Okey sa akin ang kontrabida role dahil feeling ko, mas marami akong natututunan. Challenge sa akin gampanan ang karakter na kabaligtaran ng ugali ko sa tunay na buhay. Tahimik, mahiyain at hindi ako palaaway sa tunay na buhay,” wika ni Thea.

Debut niya on Aug. 13 at sa Calamba, Laguna siya magsecelebrate ng kanyang 18th birthday, ayon kay Thea. Tagaroon kasi ang pamilya niya at gusto niyang makapiling ang mga kababayan at kaibigan nila roon. Ang daddy niya ang kanyang escort dahil wala pa siyang boyfriend. Siyempre, invited si Jeric Gonzales na dati niyang ka-love team at produkto rin ng “Protege: The Battle for the Big Artista Break.” Taga-Calamba, Laguna rin si Jeric.

Ani Thea, never naging “sila” ni Jeric at hindi siya nito niligawan ever. Si Dennis Trillo ang dati niyang crush at si Tom Rodriguez na ngayon. Wish ni Thea na magkatrabaho sila ni Tom sa isang project ng GMA kahit daw magkapatid ang role nila. “Para ma-hug niya ako (laughs). Pwede namang magyakapan ang magkapatid, di ba?” kilig-kiligang sambit ni Thea.

Di na umaasa
Hindi na umaasa si LJ Reyes na magkakabalikan pa sila ni Paulo Avelino. Naka-move on na siya sa kanilang break-up at ani LJ, no more pain, no more heartaches, no bitterness.

She’d like to think na friends pa rin sila ni Paulo. Itinanggi ni LJ na ipinagdadamot niya ang lovechild nilang si Aki. Aniya, nadadalaw ni Paulo ang anak nila. Magkasama ang mag-ama nitong nakaraang birthday ni Paulo.

No comment naman si LJ sa pagli-link kina Paulo at KC Concepcion. Kung anuman ang namamagitan sa dalawa, labas na siya roon, aniya.

Loveless pa rin ang Kapuso actress at talent ng GMA Artist Center. Deadma lang si LJ sa mga nagpaparamdam sa kanya at aniya, hanggang friendly dates lang muna siya.

Career muna ang focus niya at okey lang sa kanya kung nalilinya siya sa kontrabida roles. “Masarap paglaruan ang bad character. Ang daming pwedeng i-explore. Ang daming challenge. Exciting!” saad ni LJ.

comments