Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » LT binabale-wala, manager nagtatampo

LT binabale-wala, manager nagtatampo

LORNA Tolentino and Dennis Roldan

by Rowena Agilada

SANA naman, nagbago na ng desisyon si Lolit Solis at hindi na niya agad-agad “ipapapatay” ang karakter ni Lorna Tolentino sa “My Destiny.” Nagtampo ang manager ng aktres sa GMA management dahil sa diumano’y pagbabale-wala kay LT sa plugging ng naturang serye. Hindi nga niya pinapunta si LT sa presscon ng MD.

Ayon sa isang source, tampu-tampuhan si Lolit dahil diumano’y nakatutok kina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang promotion ng MD. Eh, mahalaga rin daw ang role ni LT na gumaganap bilang isang mapagmahal na ina nina Carla at Rhian Ramos.

May tsika ring diumano’y naimbiyerna rin si Lolit nang nakarating sa kanya na diumano’y matagal naghintay si LT sa set bago nakunan ang kanyang eksena. Lolit was quoted as saying, “Binabayaran ka (LT) para maghintay.”

Pilot telecast ngayong Lunes ng “My Destiny” pagkatapos ng “Niño” at sana hanggang katapusan nito’y mapanood natin si Lorna T.

Balik-showbiz
After ten years, balik-telebisyon si Dennis Roldan. Kasama siya sa cast ng “My Destiny” where he plays Mateo Andrada, ama nina Matthew (Tom Rodriguez) at Paul (Ruru Madrid). Si Kuh Ledesma (as Selena) ang asawa ni Dennis.

“It’s nice to be back,” sambit ni Dennis nang nakausap namin sa presscon. “I’m excited. Hopefully, tuluy-tuloy na ang comeback ko.” Aniya, huling teleserye niya ay sa ABS-CBN na nakalimutan na niya ang title.

Wala na talaga siyang balak mag-balik showbiz dahil priority niya ang isang ministry, Jesus Christ The Life Giver kung saan pastor siya. Nagba-Bible study sila at nagpapakalat ng mga salita ng Diyos, ayon kay Dennis.

Ang talent manager na si Leo Dominguez ang kumumbinse sa kanyang magbalik-showbiz. Ito rin ang manager niya ngayon. Ani Dennis, may limitations siya sa pagtanggap ng role. No kissing scene at hindi siya pwedeng magmura. Kailangan ding may moral lesson ang story. Pwede raw siya ng kontrabida role, basta hindi siya magmumura.

Naging congressman noon sa QC si Dennis. Pero aniya, ayaw na niyang balikan ang pulitika. Anak niya sina Michelle Gumabao (dating PBB housemate) at Marco Gumabao na ABS-CBN talent at dating ka-love team ni Miles Ocampo. Kapatid ni Dennis ang part-time actress na si Isabel Rivas.

Balik-showbiz din
Balik-showbiz din ang dating child actor na si Jaypee de Guzman. Siya ’yung batang kasama sa “Saan Darating ang Umaga” na tinampukan ni Maricel Soriano at ng mga yumaong aktor na si Nestor de Villa at aktres na si Nida Blanca.

Naging bahagi rin ng “That’s Entertainment” si Jaypee.

Kasama siya sa “My BFF” na tinatampukan nina Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Jillian Ward, Mona Louise Rey, Valerie Concepcion, Leandro Baldemor, Hiro Peralta, among others. Pilot telecast nito ngayong Lunes bago mag-“24 Oras” sa GMA Telebabad.

Noong nawala si Jaypee sa “That’s Entertainment,” nag-aral siya ng Filmmaking sa La Salle. Nagtrabaho siya behind the camera, sa post-production. Gumawa rin (hanggang ngayon naman) siya ng music videos sa Dyna Music.

Married na si Jaypee with three kids. Pastor siya ngayon sa isang ministry. Natsismis noong bading si Jaypee. Pero mariin niyang itinanggi ito. So, there!

comments