Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Robin, Gina may patama kay Aljur

Robin, Gina may patama kay Aljur

Robin Padilla

by Rowena Agilada

MAGKAROON kaya ng sapat na tapang at lakas ng loob si Aljur Abrenica para harapin sina Robin Padilla at direk Gina Alajar? May pahayag si Robin na maghanap na lang si Kylie (his daughter) ng tunay na barako. ’Yung hindi siya sasaktan at paiiyakin.

Kahit hindi nagbanggit ng pangalan si Robin, obvious na si Aljur ’yun. Ayon kay Kylie, sa telepono lang siya brineyk ni Aljur noong nasa Australia siya.

GINA Alajar - timing

Si direk Gina, bagaman hindi rin nagbanggit ng pangalan, obvious na si Aljur din ’yung tinutukoy niya. Sa isang interbyu, sinabi ni direk Gina na galit siya sa taong ’yun at sa ginawa nito. Pinalabas daw ng taong ’yun na guilty ang anak niyang si Geoff Eigenmann sa hiwalayan nito at ni Carla Abellana. Ayon kay direk Gina, si Carla ang nang-iwan.

Mag-effort kaya si Aljur kausapin sina Robin at direk Gina kaugnay ng magkahiwalay na pahayag ng mga ito?

Nang-iwan
Sayang at hindi naitanong nina Lolit Solis at Joey de Leon kay Carla Abellana kung totoo bang siya ang nang-iwan kay Geoff Eigenmann? Siguro naman, napanood ni Carla ang interbyu kay direk Gina sa “Startalk” noong nag-promote sila ni Tom Rodriguez with Rhian Ramos ng “My Destiny.”

Ang ipinaalala ng dalawang hosts kay Carla ay malapit na ang birthday ni direk Gina, kaya binati naman ito ni Carla on air. “Happy birthday, tita Gina. I love you,” sambit ng dalaga. Aniya pa, ite-text niya si direk Gina. Nagawa kaya niya o showbiz lang ’yun?

Sayang at hindi rin naitanong nina Lolit at Joey kay Carla kung totoo ba ang sinabi ni direk Gina na ang gusto sana niya (Carla) ay huwag munang ilabas ang tungkol sa break-up nila ni Geoff at sa kani-kanilang pamilya lang muna.

Pero si Carla rin ang nagkumpirma on national TV na break na sila ni Geoff. “May ipapalabas kasing pelikula,” ani direk Gina. Ito ’yung “So It’s You” nina Carla at Tom Rodriguez, kaya hindi maiwasang mag-isip ng kung ano si direk Gina.

Nakaka-relate?
Nakaka-relate kaya si Dennis Padilla sa karakter ni Dingdong Dantes bilang Anthony Real sa “Ang Dalawang Mrs. Real”? Ayon kasi sa mga naglabasang balita, kaya raw gustong palitan ni Marjorie Barretto ang apelyidong Baldivia ng anak niyang si Julia ay dahil diumano’y may unang babaeng pinakasalan si Dennis. Hindi pa raw annulled ’yun nang pakasalan ni Dennis si Marjorie.

Baldivia ang tunay na apelyido ni Dennis. So, bale dalawa pala ang naging Mrs. Baldivia ni Dennis. Parang si Dingdong sa ADMR na unang pinakasalan si Maricel Soriano (as Millet) at pangalawa si Lovi Poe (as Shiela).

Samantala, mamaya sa ADMR, iiwas si Anthony sa honeymoon nila ni Shiela. Masasaktan ito. Uulitin ni Anthony sabihin kay Millet ang kanilang wedding vows.

Lasing si Sandy (Alessandra de Rossi) at aaminin kay Anthony na mahal pa rin niya ito. Hahalikan niya si Anthony. Makikita sila ni Shiela.

comments