Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Haba ng hair ni Mayor

Haba ng hair ni Mayor

Alessandra De Rossi

by Rowena Agilada

Haba naman ng hair ni Mayor Herbert Bautista sa sinabi ni Kris Aquino na minahal siya nito nang wagas. Ano kaya’ng reaction ni mayor HB? Nabagbag kaya ang damdamin niya sa mga pahayag ng kanyang ex-love?

May pagsisisi kaya si mayor HB sa pang-iwan niya kay Kris at sa sinabi niyang hindi na niya ito babalikan? O, deadma na lang siya ?

Sarado na nga kaya ang puso ni mayor HB sa posibilidad na subukan nila muli ni Kris ang naudlot nilang “work in progress”? Abang-abang na lang pag may time.

Takot magpa-liposuction
Hindi man nanalo si Iwa Moto sa “Celebrity Dance Battle” grand finals (TV5), masaya na rin siya na napasama siya sa limang finalists. Ang basketball player na si Gary David ang tinanghal na first ever Celebrity Dance Battle champion at P 1-million ang napanalunan niyang cash prize.

Ani Iwa, sobrang worth it ang pagkasama niya sa CDB grand finals. Nakatulong ang pagsasayaw niya para mabawasan ang timbang niya mula 188 lbs. na 138 lbs.na lang siya ngayon.

Tumaba kasi siya matapos manganak sa lovechild nila ng partner niyang si Pampi Lacson. Nine months old na ngayon ang baby nilang si Mimi. Takot siyang magpa-liposuction,ani Iwa. Kaya dinaan na lang niya sa pagsasayaw at pagda-diet.

Perfect example of a good guy si Pampi,ayon kay Iwa. Ang hilaw niyang father-in-law na si Senator Panfilo “Ping” Lacson ay mabait at super nice ever sa kanya,ayon pa kay Iwa. Tuwang-tuwa raw ito sa apong si Mimi at parati nitong nilalaro.

Friends in love?
Sayang at hindi namin naitanong kay Lovi Poe kung may alam ba siya tungkol sa namamagitang relasyon nina Alessandra de Rossi at Sid Lucero noong nakausap namin siya sa taping ng “Ang Dalawang Mrs. Real.” Magsalita naman kaya si Lovi?

Magkaibigan sina Lovi at Alessandra na magkasama sa ADMR. Siguro naman, nag-ge-girl talk sila tungkol sa kani-kanilang mahal o inspirasyon sa buhay, kung meron man si Alex. Lovi has Rocco Nacino.

Friend din nina Lovi at Alex si Heart Evangelista na na-link noon kay Sid. Inilihim nila noon na may “something “ sila, hanggang inamin ‘yun ni Heart sa presscon ng isang afternoon series na pinagsamahan nila muli ni Sid.

And now, kay Alex naman natsitsismis si Sid. Inililihim din kaya nila na may namamagitang “something” between them? Pareho silang nag-deny na ang press release nila, friends lang sila. Di kaya friends in love?

Samantala, hindi nagpapahuli si Alex sa aktingan kay Lovi sa ADMR.Magaling si Alex bilang Sandy na ex-girlfriend ni Anthony (Dingdong Dantes) at best friend naman ni Millet (Maricel Soriano). Kayang-kaya makipagsabayan ni Alex sa co-stars niya sa ADMR.

comments