Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rich gustong sampalin si Kris

Rich gustong sampalin si Kris

RICH Asuncion1by Rowena Agilada

GIVEN a chance, gusto ni Rich Asuncion na sampal-sampalin at api-apihin si Kris Bernal. Pero sa trabaho lang ‘yun, agad niyang paglilinaw nang tanungin namin siya kung sino sa mga Kapuso stars ang gusto niyang pahirapan.

Di kaya may lihim lang siyang galit kay Kris dahil dating ka-love team ito ng ex-boyfriend niyang si Aljur Abrenica? Noong kainitan kasi ng Aljur-Kris love team ay tagung-tago ang relasyon nina Aljur at Rich.

“Nothing personal (laughs),” ani Rich. “At saka matagal na ‘yun, noh! Naka-move on na ako. Hindi kami naging close ni Kris. Civil naman kami sa isa’t isa kapag nagkikita kami.”

Si Marian Rivera, gusto ba niyang api-apihin? “Naku, ayoko! Baka ma-intimidate ako sa kanya. Ang ganda-ganda niya!”

Bakit si Kris, hindi maganda? Pang-iintriga namin. “Ay! Wala akong sinabi (laughs). Walang ganyanan. Walang intriga. Peace lang!” wika ni Rich na isa sa mga young female kontrabidas ng GMA Artist Center.

Payo ni Father
Naging topic ng isang paring nag-misa noong nakaraang Linggo (June 29) sa isang parish church sa Novaliches, QC, ang episode ng “Magpakailanman” na tinampukan nina Mark Anthony Fernandez at Sunshine Dizon. Ito ‘yung “Pinutol na Kaligayahan.”

Nagkataong Feast day nina St. Peter at St. Paul at anang pari, kung si St. Paul nga raw na maraming napatay noong nanilbihan ito sa Roman Empire ay napatawad ng Diyos at isa nang Santo ngayon, tayo rin ay maaaring patawarin ng Diyos.

Ikinonek ‘yun ng pari sa istoryang napanood niya sa “Magpakailanman” kung saan pinutol ni Sunshine ang “sandata” (ari) ng mister (Mark Anthony) niyang babaero. Sinabihan ng pari ang mga kalalakihan na maging responsible sa kanilang “sandata” at huwag maging abusado sa pambababae.

Sinabihan din ng pari ang mga babae na huwag agad-agad magpadalos-dalos sa pagputol (ng ari) at matutong magpatawad. Subalit kapag talagang umaabuso na raw si mister, siguro naman daw ay mapapatawad na sila (mga kababaihan) ni God kapag ginawa (pagputol) nila ‘yun.

May mga mag-asawang nagtalo sa pahayag ng pari. Nauwi sa tawanan lahat sa pakuwela ng pari.

Mark Anthony Fernandez (rhodora x)Hiwalay na
Napanood din namin ang episode na ‘yun ng “Magpakailanman” at pansin namin, mas tumaba pa yata si Mark Anthony Fernandez kesa noong huli namin siyang nainterbyu sa presscon ng “Rhodora X.” Sabi niya sa am in, kakaririn na niya ang pagpapapayat pagkatapos ng naturang serye sa GMA7.

Sinabihan daw siya ng kanyang manager na magpapayat. Mukhang hindi naman yata sinunod ni Mark. Baka gusto pa niyang hintaying magka-fat memo mula sa GMA management. Natuluyan din pala ang paghihiwalay ni Mark at ng non-showbiz wife niyang si Melissa. Ang half-sister ni Mark na si Wynwin Marquez ang nagsabi sa isang reporter na hiwalay na ang kanyang kuya Mark at si Melissa.

Three months old pa lang ang second baby nilang si Rudolf Venedict, named after his lolo (the late Rudy Fernandez) and lola Venessa (Alma Moreno). Cameron naman ang pangalan ng panganay nina Mark at Melissa. May isang anak si Mark named Chelsea sa isang previous relationship at isa pang anak na nagsosyobis na Grey ang pangalan. Iba rin ang nanay nito.

comments