Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ruffa’s new ‘special friend’

Ruffa’s new ‘special friend’

RUFFA Gutierrez

by Rowena Agilada

INAMIN ni James Yap kay Anthony Taberna sa TNT (“Tapatan ni Tunying”) na may isa pa siyang anak na mas matanda kay Bimby (anak niya kay Kris Aquino). Hindi lang sinabi ni James kung babae o lalaki ang panganay niyang anak sa ex-girlfriend niya.

Alam daw ito ni Kris bago pa niya ito pinakasalan. Kataka-takang hindi ito nai-broadcast ng TV host na alam naman nating lahat na walang lihim-lihim sa kanya. For the longest time, naitago nila ni James sa publiko ang isa pang anak ng huli.

So, dalawa ang half-siblings ni Bimby. Ang kanyang kuya Joshua na anak ni Kris kay Phillip Salvador at isa pang kuya o ate na anak ng kanyang papa James sa ex-GF nito. Kailan naman kaya ipakikilala ni James kay Bimby ang kanyang older brother or sister?

Kilala na ni Bimby ang kanyang future stepmom na si Michaela Cazzola na girlfriend ng kanyang papa James. Ayon kay James, alam lahat ni Michaela ang lahat sa buhay niya at wala siyang inililihim sa kanyang GF. Pero wala pa silang balak magpakasal. “Hinay-hinay lang,” ani James.

Bagong inspirasyon
Base sa nakita naming magkasamang picture nina Ruffa Gutierrez at special friend niyang si Jordan Mouyal, it looks like, may more than something nang namamagitan between them.

Sweet-sweetan si Ruffa na nakahilig sa Israeli-Moroccan guy at nakapatong pa ang isa niyang siko (elbow) sa hita nito. Nakaakbay naman ang guy kay Ruffa. Kaya pala sobrang blooming ang aura ngayon ni Ruffa, may inspirasyon siya.

Ang tanong, aprub kaya kay Annabelle Rama ang French-speaking guy na ito? For sure, paiimbestigahan o pinaiimbestigahan na ni Annabelle ang background nito. Si Annabelle pa?

derek ramsayCarry rin
Carry rin pala mag-comedy ni Derek Ramsay. Nag-guest siya sa “Tropa Moko Unli” at nakipagkulitan sa tropa. ’Kaaliw ang spoof ng “The Amazing Race” at dunkin’ commercial.

Nakipagkulitan din si Derek kay Empoy na tinapatan ang hunk actor sa batuhan ng linya at pagandahan ng abs. Para namang may abs si Empoy at walang kahiya-hiya sa kanyang ginawa.

By the way, ang daming models ang nag-audition para sa bagong edition ng “The Amazing Race” na iho-host ni Derek at mapapanood sa TV5. Foreigners ang susunod na batch na maga-audition. Ini-encourage ni Derek at ng production staff ang mga celebrity na mag-join. The more, the merrier nga naman at mas exciting ang labanan kapag maraming celebrities.

comments