Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Louise naiwan sa ere

Louise naiwan sa ere

LOUISE delos Reyes

by Rowena Agilada

NAIWAN nga ba sa ere si Louise de los Reyes? Diumano’y nakipag-break ang Kapuso actress kay Enzo Pineda dahil kay Aljur Abrenica. Nakipag-break naman ang huli kay Kylie Padilla.

Pero walang pag-aming naganap kina Aljur at Louise kahit tapos na ang “Kambal Sirena,” seryeng pinagsamahan nila sa GMA7. Ang press release ni Aljur, wala munang love life at focused muna siya ngayon sa kanyang career.

Si Enzo na ex-boyfriend ni Louise ay may bagong girlfriend na. Non-showbiz ito at super pretty, ayon sa mga nakakita na sa bagong love ni Enzo. False alarm ang tsika na si Kylie ang ipinalit ni Enzo kay Louise.

Walang exchange partners na naganap. Komento ng ibang tao, prize catch si Enzo. Mula sa isang rich family ito. Hindi raw kaya nanghinayang si Louise na pinakawalan niya ang binata? Noong together pa sina Enzo at Louise, itinuring siyang kapamilya na ng mga Pineda.

Kilig much
Showing na sa July 16 ang “She’s Dating the Gangster” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Muling magpapakilig much ang kanilang tambalan sa bago nilang pelikulang ito under Star Cinema na dinirek ni Cathy Garcia-Molina. Forte ni direk ang kilig movies, kaya asahan ang mga sweet moment nina Daniel at Kathryn.

May special participation sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Ang “She’s Dating the Gangster” ay halaw sa nobela ni Bianca Bernardino na may gano’n ding pamagat. More than 70,000 copies ang nabenta nito sa bansa.

Huling napanood sina Daniel at Kathryn sa horror-suspense movie, “Pagpag: Siyam na Buhay” na entry sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

MARICEL Soriano, Dingdong Dantes, Lovi Poe of ‘Ang Dalawang Mrs. Real’

Proud BF
Sobrang proud si Dingdong Dantes kay Marian Rivera na pangatlong beses nang tinanghal na Number One Sexiest Pinay ng FHM. Inaabangan na kung ano’ng pasabog na get-up ni Marian sa pagrampa nito sa gaganaping bonggang event.

Last year, mistulang anghel na may malalaking pakpak si Marian sa super seksing kasuotan niya. Hindi isyu kay Dingdong kahit gaano pa kaseksi ang suot ni Marian na pagpipistahan ng mga kalalakihan.

Ang dami ngang naiinggit kay Marian dahil kahit malakas siyang kumain (daig pa nga niya si Dingdong), hindi siya tumataba. Joke nga ni Dingdong, parang kargador daw kumain si Marian.

Samantala, proud din si Marian kay Dingdong dahil marami ang pumupuri sa acting nito sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Bilang Anthony Real na dalawa ang misis (Maricel Soriano at Lovi Poe), ang husay-husay naitatawid ni Dingdong ang kanyang karakter bilang isang naguguluhang mister. Ayaw niyang may masaktan sa dalawang babaeng pinakasalan niya.

Problema na nga niya ang dalawang misis, nakisahog pa ang ex-girlfriend niya (Alessandra de Rossi as Sandy) sa gulo. Ipinagtapat nito kay Millet (Maricel) na may ibang babaeng (Lovi as Shiela) pinakasalan si Anthony sa Cebu. Paano kaya lulusutan ni Anthony ang pinasok niyang sitwasyon?

comments