Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vi easy lang sa problema

Vi easy lang sa problema

Batangas Governor Vilma Santos

by Rowena Agilada

SA text message na ipinadala sa amin ni Governor Vilma Santos-Recto sa pamamagitan ng kanyang close friend at dependable ever personal secretary na si Aida Fandialan, anang Star for All Seasons, nothing to worry kaugnay ng ensaymada issue with matching card na may note na wrong spelling at wrong grammar.

Ani Gov. Vi, mas marami pa siyang matinding pagsubok sa buhay na nalampasan niya. Everyday is a learning process. Maliit na bagay lang daw ’yun na pinalaki.

Ang kanyang motto: “Ang problema at challenges sa buhay ay dumaraan… paraanin mo… wag mo lang istambayan… kasi tomorrow is another day!!! Tanggapin ang positibo. Itapon ang negatibo!!! Life is beautiful… Enjoy it!!!”

Ayon pa kay Gov. Vi, mas iniisip niya ang cocolisap sa Batangas dahil ang katapat nito’y kabuhayan ng mga tao. ’Yun ang worry niya. Korek! Kesa magpaapekto siya sa panlalait ng mga basher, tutukan na lang niya ang problemang ito.

KATHRYN Bernardo and Daniel Padilla

Unique love team
Sa Legazpi, Albay nag-shoot sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng ilang eksena nila sa “She’s Dating the Gangster.” Ani Daniel, sobrang nag-enjoy siya sa pelikulang ito at mas na-appreciate niya ang kanyang trabaho.

“Ngayon lang ako sobrang nag-effort. Proud ako sa movie na ito. Nag-enjoy ako sa mga kasama ko sa trabaho. Exciting, masaya. Hindi pa rin nagbabago ang excitement ko kay Kathryn,” saad ni Daniel.

“Dati si DJ (tawag ni Kathryn kay Daniel for Daniel John), laro-laro lang sa kanya ang trabaho. Nakita ko ang pag-grow niya as an actor at sobrang proud ako sa kanya ngayon. Mature na siya at seryoso na sa trabaho,” lahad naman ni Kathryn.

Si Cathy Garcia-Molina ang direktor ng SDTG. Aniya, unique ang love team nina Daniel at Kathryn. Hindi raw pwedeng ikumpara sa Piolo Pascual-Judy Ann Santos love team o sa John Lloyd Cruz-Bea Alonzo tandem.

“Maaaring sa kasikatan, pwede. Pero iba ang love team nina Daniel at Kathryn,” ani direk Cathy.

Asked kung alam ba niyang ’yung reel love team nina Daniel at Kathryn ay real love team na, maang-maangan si direk Cathy. Aniya, wala siyang alam. Owwwssss??? Talaga lang, ha?

Inamin na rin
Inamin na rin ni Lovi Poe on national TV na “sila” na ni Rocco Nacino. Inamin din ni Lovi na naging boyfriend niya si Jake Cuenca. Todo-tanggi noon ang Kapuso actress nang aminin ni Jake ang relasyon nila. Naisip tuloy namin, hindi kaya wala pang closure sina Jake at Lovi noong pumutok ang balitang diumano’y nagpang-abot sina Jake at Rocco sa condo unit ni Lovi? Diumano pa ri’y nagkaroon sila ng confrontation at muntik nang magkasapakan ang dalawang binata. How true?

Kung happy ngayon sina Lovi at Rocco sa kanilang relasyon, same with Jake na meron ding love of his life ngayon, si Chanel (di naming alam ang apelyido) na may foreign blood.

Happy rin si Lovi sa magandang feedback sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Paigting nang paigting ang mga kaganapan at inaabangan ang paghaharap nila ni Maricel Soriano (as Millet). Nagkausap na sila sa telepono. Pupunta si Shiela (Lovi) sa Manila para alamin kung totoong dalawa silang Mrs. Real sa buhay ni Anthony (Dingdong Dantes). Magkabukuhan na kaya?

comments