Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Love teams of yesteryear naglulusugan

Love teams of yesteryear naglulusugan

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

by Rowena Agilada

AALIW ang throwback ng former love teams sa SAS (“Sunday All Stars”). Napagsama-sama sa isang production number ang former love teams nina Janno Gibbs at Manilyn Reynes, Tina Paner at Ramon Christopher, Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz, Bobby Andrews at Angelu de Leon.

Except for Bobby and Angelu na bahagi ng TGIS, produkto ng “That’s Entertainment” ang tatlong former love teams. Sa apat na former love teams, tipong may ilang factor kina Romnick at Sheryl noong nag-duet sila. Why kaya?

Nagpakilig naman sina Tina at Ramon Christopher na may paakbay-akbay pa ang huli kay Tina. May spark pa kaya? “Papa, huh! May paakbay-akbay ka pa,” sabi tuloy ni Janine Gutierrez na anak ni Ramon Christopher kay Lotlot de Leon na dati ring miyembro ng “That’s.” Bakit kaya hindi sina Monching at Lotlot ang pinag-duet?

Naging real-life love team din kasi sina Monching at Tina na unang naging GF ni Monching bago si Lotlot. Reel-and real-life love teams din noon sina Janno at Manilyn, Romnick at Sheryl. Those were the days!

How time flies! Ngayon, may kanya-kanya na silang pamilya. Non-showbiz ang respective partners nina Bobby at Angelu, samantalang si Harlene Bautista na dati ring miyembro ng “That’s Entertainment” ang misis ni Romnick. Si Aljon Jimenez na taga-“That’s” din ang husband ni Manilyn. Si Bing Loyzaga na produkto rin ng “That’s” ang misis ni Janno. Hiwalay na sa kanilang mga asawa sina Sheryl, Tina at Monching. Ano kaya kung magkabalikan sina Tina at Monching? Nagtabaan silang lahat, lalo na sina Manilyn, Angelu at Monching.

In love
Sana nga mapanindigan ni Sarah Geronimo ang sinabi niyang hindi dapat minamadali ang mga bagay-bagay sa pakikipag-relasyon. Dapat daw ay may self-control, lalo na ang babae. Wala naman daw kasing mawawala sa lalake.

Sana rin, huwag matulad si Sarah sa ibang showbiz couples na BF-GF pa lang ay mistulang honeymooners na nagta-travel here and abroad na wala kasamang tsaperon. All mine to give si GF kay BF. No name names na lang at alam na nila kung sinu-sino sila.

So much in love si Sarah sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli. Aniya, ito ang nagsabi sa kanya na dapat ay mag-enjoy siya to the fullest dahil life is too short. She’s turning 26 this month, ani Sarah, at na-realize niyang gusto niyang maging normal na babae na maka-experience ng normal na buhay at normal na emosyon.

Kung hindi pa kay Matteo, baka hindi pa ’yun ma-realize ni Sarah. Two years younger si Matteo at siya lang pala ang makakapagpamulat kay Sarah ng mga bagay-bagay na totoong makakapagpaligaya sa girlfriend.

Aminin na kaya?
Matatapos na this year ang reign ni Megan Young bilang 2013 Miss World. Gaganapin sa September this year ang coronation night ng 2014 Miss World-Philippines at uuwi sa Pilipinas si Megan para koronahan ang papalit sa trono niya.

After her reign, maamin na kaya nila ni Mikael Daez ang tunay na estado ng kanilang relasyon? O, panindigan nila ang kanilang press release na friends lang sila? Hindi kaya friends with benefits?

By the way, ang GMA Network ang media partner ng gaganaping 2014 Miss World-Philippines at exclusive na mapapanood ang coverage nito sa GMA7 at GMA Pinoy TV.

Si Ms. Cory Quirino ang may franchise ng Miss World. Aniya, “This will be the first time Megan will walk on the Philippine stage as our very first Miss World. It will be very historic for us and we would like to share that history-making moment with GMA.”

comments