Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Showbiz trend sa pag-amin ng relasyon: Ladies first

Showbiz trend sa pag-amin ng relasyon: Ladies first

ROCCO-Nacino-and-Lovi-Poe2

by Rowena Agilada

HAPPY at kilig much si Rocco Nacino sa pag-amin ni Lovi Poe na “sila” na. Anang aktor sa isang interbyu, hindi nila ’yun pinag-usapan ni Lovi dahil gusto nga nilang maging pribado ang kanilang love life. Hindi raw kasi komportable ang aktres kapag tinatanong tungkol sa love life.

Ayon kay Rocco, okey na rin na out in the open na ang relasyon nila ni Lovi. Pareho silang na-relieve na hindi na nila kailangang magpaliguy-ligoy pa sa pagsagot kapag tinatanong sila ng press people sa estado ng kanilang relasyon.

Hindi napanood ni Rocco ang pag-amin ni Lovi sa “Startalk” dahil nasa Cebu siya para sa isang event. Nagulat daw siya na maraming nag-text at nag-tweet sa kanya na kinongratuleyt siya. Only then, nalaman niyang inamin na ni Lovi ang relasyon nila.

Two months na sila officially together at sinagot siya ng Kapuso actress noong nagbakasyon sila sa Paris. Nag-set ng dinner si Rocco sa Eiffel Tower at doon niya “nasungkit” ang matamis na “oo” ni Lovi. Effort kung effort talaga ang binata.

Girl muna
Mukhang trend ngayon sa usaping relasyon na babae ang unang umaamin. Nauna si Sarah Geronimo sa pag-amin na boyfriend niya si Matteo Guidicelli. Sumunod si Lovi Poe. Who’s next kaya? KC Concepcion and Paulo Avelino? Xian Lim and Kim Chiu? May dapat nga ba silang aminin? Coco Martin and Julia Montes, Mikael Daez and Miss World 2013 Megan Young, Sef Cadayona and Andrea Torres, Elmo Magalona and Janine Gutierrez. Sid Lucero and Alessandra de Rossi, Max Collins and Pancho Magno. Abang-abang na lang sa pag-amin pag may time.

Sa break-up issue naman, unang umamin si Carla Abellana na break na sila ni Geoff Eigenmann. Gano’n din si Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica. Up to now, no talk sina Geoff at Aljur.

Sina Chynna Ortaleza at Vaness del Moral, sa kanila rin nanggaling na “wala” na sila ng respective boyfriends nilang sina Railey Valeroso at Biboy Ramirez. No talk din ang dalawang former Kapuso actors. Inamin na rin ni Maxene Magalona na break na sila ng non-showbiz BF niya.

Ex-GF ikakasal na
So, ikakasal na si Cesca Litton na isa sa ex-girlfriends ni Jericho Rosales. ’Heard, nag-propose na ng marriage kay Cesca ang non-showbiz BF niya.
Kung tama kami, after Cesca, ang sumunod na GF ni Jericho ay si Kim Jones na misis na niya ngayon. Kasalukuyang nagha-honeymoon ang mag-asawa sa Europe.

Ang isa pang ex-GF ni Jericho na si Kristine Hermosa ay married naman kay Oyo Sotto. She’s pregnant sa kanilang second child.

Si Angelika dela Cruz na first showbiz GF ni Jericho ay happily married na rin sa isang non-showbiz guy at meron silang isang anak na lalaki.

Si Heart Evangelista na lang ang hindi pa nag-aasawa sa mga ex-GF’s ni Jericho. Sooner later, baka may announcement na rin sina Heart at Senator Chiz Escudero. Kamakailan lang ay nagbakasyon sila sa Paris, pero walang naganap na marriage proposal mula kay Sen. Chiz.

Wish pa naman ni Heart na doon mag-propose sa kanya ang BF niya para romantic. Aniya pa, anytime ay ready na siyang magpakasal.

comments