Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Louise on Aljur: Never naging ‘kami’

Louise on Aljur: Never naging ‘kami’

Louise Delos Reyes

by Rowena Agilada

GALING naman ng timing ni Louise de los Reyes na magsalita tungkol sa isyu sa kanila ni Aljur Abrenica at ni Kylie Padilla. Hindi kaya isipin at/o sabihin ng kampo nina Aljur at Kylie na nagagamit sila sa promotion ng pelikula ni Louise na malapit nang ipalabas?

Sa presscon ng movie ni Louise, sinabi niyang wala silang naging relasyon ni Aljur. Never naging “sila” gaya ng iniisip ng ibang tao. Itinanggi rin ni Louise na siya ang dahilan ng break-up nina Aljur at Kylie. Gusto nga niyang kausapin ang ex-GF ni Aljur. Sa isang interbyu, sinabi ni Kylie na ayaw niyang makita si Louise.

Base sa mga pahayag ni Kylie, parang si Louise ang third party involved sa break-up nila ni Aljur. Parang may bahid ng galit si Kylie kay Louise? Hindi kaya?

Gusto ring kausapin ni Louise ang ex-BF niyang si Enzo Pineda dahil aniya, walang closure ang kanilang break-up. Ani Louise, bata pa raw kasi at hindi niya kayang mag-handle ng isang relasyon.

Kylie Padilla2

Bagong apple of his eye
Did we hear it right na si Kylie Padilla ang bagong apple of the eye ni Kristoffer Martin? Nagkaroon kaya ng change of heart si Kristoffer? The last time na nakausap namin ang Kapuso tween star, sinabi niyang he’s dating someone else. Pero nothing serious pa naman daw. Parang work in progress (term ni Kris Aquino sa naudlot na pagmamahalan nila ni Mayor Herbert Bautista) pa lang.

Sinabi rin ni Kristoffer na gusto niyang balikan ang ex-GF niyang si Joyce Ching. Anyare? (as in ano’ng nangyari?) Naudlot kaya ang “work in progress” na balikan isyu?

Sakaling may “work in progress” sina Kristoffer at Kylie, hindi kaya tanungin ni Robin Padilla si Kylie kung tunay na barako ba si Kristoffer? Sinabihan ni Robin si Kylie na sa susunod na makipag-relasyon siya, humanap siya ng tunay na lalaki. Abang-abang na lang what’s really going on between Kristoffer and Kylie.

Nagtatanong nga pala ang fans ni Kristoffer, ano raw ba ang bagong project niya sa GMA after “Paraiso Ko’y Ikaw” with Kim Rodriguez?

Nagtatanong din ang fans ni Kylie kung ano’ng follow-up project niya after “Adarna.” At si Kim, nasaan na ba siya ngayon at missing in action siya?

New Indonesian movie
May bago na namang Indonesian movie si Gwen Zamora. By September, paalis siya papuntang Jakarta, Indonesia para mag-shoot ng “Valentine” na isang super hero film. Gaganap siya bilang Pink na sidekick ng kalaban ni Valentine.

Unang Indonesian movie ni Gwen ay “The Witness.” Happy and proud ang GMA Artist Center talent na napili na naman siya para maging bahagi ng isang Indonesian movie. Hindi na raw siya “mangangapa” sa pagtatrabaho dahil alam na niya ang sistema sa Indonesia.

Bagong Koreanovela
Mamaya na ang simula ng bagong Asianovela na “Secret Love.” Mapapanood ito pagkatapos ng “Ang Dalawang Mrs. Real” sa GMA Telebabad.

Isa na naman itong Koreanovela na aabangan, kapalit ng “The Master’s Sun.” Love, revenge, obsession, at hatred ang tema ng “Secret Love.”

comments