Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vilma and Ralph in London for vacation

Vilma and Ralph in London for vacation

Piolo Pascual

by Rowena Agilada

“BINUBUHAY” na naman ang isyu tungkol kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Hindi si Shaina ang kasama ni Piolo sa bago niyang TV series sa ABS-CBN, kundi si Iza Calzado.

Hindi naman masisisi si Piolo kung si Shaina ang itinatanong sa kanya ng mga nakakausap niyang press people. Sinasagot lang niya ang mga tanong tungkol sa kanila ni Shaina.

“Taken” na kasi si Iza at may non-showbiz boyfriend siya. Hindi kapani-paniwala kung ili-link sila ni Piolo sa isa’t isa. For the longest time, parehong single sina Piolo at Shaina. Si KC Concepcion na ex-GF ni Piolo, si Paulo Avelino ang rumored boyfriend, samantalang si John Lloyd Cruz na ex-BF ni Shaina ay may Angelica Panganiban na.

May pahayag pa si Piolo na gusto na niyang magkaanak muli dahil binata na ang anak niyang si Iñigo na 18 years old na ngayon. Nasabi pa ni Piolo sa mga interbyu sa kanya noon na kapag 18 na ang anak niya ay mag-aasawa na siya. Abang-abang na lang pag may time kung sino ang babaeng pakakasalan ni Piolo.

London vacation
Matapos ang ensaymada isyu, wrong spelling at wrong grammar, nagbabakasyon ngayon sa London si Governor Vilma Santos-Recto kasama ang husband niyang si Senator Ralph Recto. Enjoy-enjoy lang pag may time si gobernadora kesa isipin ang panlalait sa kanya ng mga basher.

Naghahanap din ang Recto couple ng papasukang school sa London ng anak nilang si Ryan Christian kapag nag-college na ito. Graduating na si Ryan sa high school at gusto pati na rin ng kanyang parents na sa London siya mag-aral.

Wala naman sigurong inggit o selos factor kay Luis Manzano kung sa London mag-aaral ang bunso niyang kapatid. May college degree na si Luis at tapos siya ng HRM (Hotel and Restaurant Management) sa De La Salle University. Ang dalawa pa niyang half-siblings na sina Enzo at Adi ay nasa kolehiyo na rin at nag-aaral sa exclusive school. Si Edu Manzano ang tatay nina Enzo at Adi at si Rina Samson ang nanay.

Kathryn at Daniel

Star struck
Special participation lang sina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa “She’s Dating the Gangster,” kaya hindi na sila umapir sa presscon nito. Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang mga bida sa naturang pelikula ng Star Cinema na showing na sa July 16.

Kahit sandali lang nakatrabaho nina Daniel at Kathryn sina Richard at Dawn, nag-enjoy ang dalawang bagets. Thankful silang pumayag ang mga ito na maging bahagi ng SDTG. Starstruck sila kina Richard at Dawn at wish nilang sana sa susunod na project, either TV or pelikula, makatrabaho nilang muli sina Richard at Dawn. Bitin daw kasi ’yung pagtatrabaho nila sa SDTG.

Pang-limang pelikula na ito nina Daniel at Kathryn na anila’y nahirapan silang gawin at talagang nag-effort silang gampanan ang kanilang respective roles. So far, ito ang pinakaseryoso at pinaka-mature roles na nagampanan nila, ayon kina Daniel at Kathryn.

comments