Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Girlfriend sa dilim

Girlfriend sa dilim

ENCHONG Dee

by Rowena Agilada

CURIOUS ang fans and supporters ni Enchong Dee kung sino ang non-showbiz girlfriend niya. Wala kasing ibang detalye sa sinasabing girlfriend ni Enchong.

Kesyo, private person ito, kaya ayaw niyang i-reveal ang identity nito. Ano kaya ang feeling ni girl na ayaw siyang ipakilala sa publiko ng kanyang BF? Ano siya, girlfriend sa dilim? Okey ba kay GF ang gano’n?

Nakipagrelasyon siya sa isang showbiz guy, siyempre, interesado ang fans kung sino ang GF ni Echong. Dapat nga maging proud si Enchong kung talagang love niya ang kanyang GF. Hindi ‘yung itinatago niya ito. Duda tuloy ng iba, hindi raw kaya press release lang ni Enchong na may GF siya? Whatever!

Bakasyon grande
Enjoy to the fullest sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kasama ang anak nilang si Zion sa bakasyon nila sa Coron, Palawan. First beach trip ‘yun ni Zion at enjoy ang bagets.

Panay ang post nina Richard at Sarah ng pictures nila sa kanilang respective Instagram accounts. May picture sila na magkasamang nag-diving at nakita nila ang isang lumubog na barko (Kyokuzan Maru ship wreck) noong World War II (1944). Nag-snorkling din sila at ayon sa post ni Sarah, nakakita siya ng dalawang dugong.

Sa Bohol naman nagbakasyon si Ruffa Gutierrez with her daughters Lorin and Venice. Sa Bellevue beach resort sila tumuloy. Nag-enjoy sa swimming ang mga bagets. Manghang-mangha si Ruffa sa ganda ng namalas nilang view.

Balik-showbiz
Happy si Rodjun Cruz for his girlfriend, Dianne Medina, host ng “Good Morning Boss” sa PTV 4. First time na magbida ito sa isang indie film, “Edukasyon (A Teacher’s Devotion)” kung saan isang guro ang ginagampanan ni Dianne.

Tumatalakay ito sa kabayanihan ng mga guro na huhubog ng mga kabataan sa kagandahang-asal. Ang nagbabalik-showbiz na si Elyza Rivera ang gumaganap bilang ina ni Dianne.

Nakalabas na si Elyza sa ilang teleserye ng GMA7. Pansamantala siyang nag-lie low sa acting career para sumulat ng mga libro – “Regalong Hiram” (Borrowed Gift) at “Isyu sa Relasyon7 Heto ang Solusyon.”

Wife si Elyza ng RPN president na si Robert Rivera. Tampok din sa “Edukasyon” sina Tommy Abuel, Daria Ramierez, Leandro Baldemor at Rey “PJ” Abellana. Directed by Bobby Benitez at prodyus ng JMS Productions. May special screening sa SM North EDSA cinema on July 23.

comments