Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Chlaui, Judie, Jemwell, JM, mga bagong ‘Yagit’

Chlaui, Judie, Jemwell, JM, mga bagong ‘Yagit’

Gina Alajar with Yagit Kids

by Rowena Agilada

NAPILI na ng GMA 7 ang apat na bagets na gaganap ng mahahalagang papel sa remake ng “Yagit,” bagong afternoon prime series na mapapanood sa September.

Ang six-year-old commercial model na si Chlaui Malayao ang gaganap bilang Elisa. Si Chlaui ang endorser ng isang brand ng noodles na may dialogue na “I love my hair… I love my mommy.” Siya ’yung cute na bata na kulot ang buhok na may mala-anghel na mukha.

Sina Judie dela Cruz at Jemwell Ventinilla, both 12 years old ang gaganap bilang Josie at Tomtom, mga pinsan ni Elisa. Si JM Andres naman (eight years old) ang gaganap bilang Ding.

Si Gina Alajar ang direktor ng “Yagit” at aniya, walang itulak-kabigin sa rami ng mga batang nag-audition. Lahat ay magagaling. Pero apat lang ang kailangan nilang piliin na sinalang mabuti at pumasa sa kanilang criteria.

Tampok din sa cast ng “Yagit” sina Yasmien Kurdi, LJ Reyes, Rich Asuncion, James Blanco, Frank Magalona, Renz Fernandez, Maricris Garcia, Kevin Santos, Joana Marie Tan at Wowie de Guzman.

BELA Padilla

Di raw inasahan
Hindi raw expected ni Bela Padilla na mananalo siyang best supporting actress sa nakaraang FAMAS Awards Night for her performance in “10,000 Hours.” Anang GMA Artist Center talent, matitindi ang mga kalaban niyang sina Angel Aquino, Cherie Gil, Coney Reyes, Aiza Seguerra at Gloria Sevilla.

Ayon pa kay Bela, hindi siya naghanda ng kanyang acceptance speech at pumunta lang siya sa Awards Night para mag-present ng special award. Mas iniisip daw niya kasi na pagkatapos ng event ay babalik siya sa taping ng “Sa Puso ni Doc” na 13 sequences pa ang kukunan with matching rain effect. Si Dennis Trillo ang kasama ni Bela sa naturang medical series na malapit nang ipalabas sa GMA7.

Nagulat daw siya nang tawagin ang pangalan niya na siya ang nanalong best supporting actress. Sobrang thankful si Bela sa mga bumubuo ng FAMAS sa parangal na ipinagkaloob sa kanya.

May tsika namang diumano’y dinedma ni Bela si Louise delos Reyes sa taping ng “Celebrity Bluff’.” Pareho silang guest contestants at ayon sa source, hanggang natapos ang taping, hindi man lamang daw tiningnan ni Bela si Louise, hanggang umalis ang una.

Naikuwento naman kaya ni Bela sa pinsan niyang si Kylie Padilla ang pagkikita nila ni Louise sa taping ng “Celebrity Bluff”? Si Louise ang diumano’y dahilan ng break-up nina Kylie at Aljur Abrenica. Itinanggi ’yun ni Louise. Pero bakit kaya dinedma pa rin siya ni Bela?

Tabachingching
Kapansin-pansin ang pagtaba ni Louise delos Reyes. Namumurok ang kanyang mga pisngi at malalaki ang mga braso niya. Natsismis tuloy na diumano’y buntis siya.

Ani Louise, bumawi lang siya nang kain pagkatapos ng “Kambal Sirena.” Nagda-diet kasi siya habang ginagawa niya ang naturang serye para hindi siya tumaba.

Pagkatapos ng KS, parating napapasarap ang kain niya, kaya tumaba siya, ani Louise. Itinanggi niyang buntis siya. Noong nag-post siya sa kanyang Instagram account ng picture na malaki ang tiyan niya, natsismis na buntis siya.

Sa isang episode lang pala ’yun ng “Magpakailanman” na pinamagatang “Ama Ko, Ama ng Anak Ko,” mapapanood ngayong Sabado. Gaganap si Louise bilang Kim. Pumatol siya sa isang lalaking may edad na at nagkaanak sila. Nalaman lang ni Kim na ama niya ito nang ipakilala niya ito sa kanyang ina na nakarelasyon pala nito. Pinalabas noon ng kanyang ina na matagal nang patay ang kanyang ama. Tampok din sina Ricky Davao, Gina Alajar, Mel Kimura, Reese Tayag. Bryan Benedict at Phytos Ramirez.

comments