Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dong-Marian, Luis-Angel: Who’s getting married first?

Dong-Marian, Luis-Angel: Who’s getting married first?

Marian Rivera and Dingdong Dantes

by Rowena Agilada

SINO kaya kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Luis Manzano at Angel Locsin ang mauunang magpakasal? Nagprisintang ninang si Governor Vilma Santos-Recto kina Dingdong at Marian, si Kris Aquino naman kina Luis at Angel.

May wedding gift na nga si Kris kina Luis at Angel, honeymoon sa Italy. Eh, si Gov. Vi, ano naman kaya ang regalo kina Dingdong at Marian?

Nasa marrying age na ang apat at mukha namang walang tumututol sa kanilang respective families sakaling magdesisyon na silang magpakasal. Sa mga panayam kina Dingdong at Marian, they say na gusto na nilang magka-baby. What about Luis and Angel, ready na rin kaya silang magka-baby?

Luis Manzano and Angel Locsin

Coincidence na parehong gumanap na Darna sina Angel at Marian sa GMA7. Naging Darna rin noon si Gov. Vi. Sa movie version ng Darna na gagawin ng Star Cinema next year, si Angel ang gaganap. Mukhang malabo ang Luis-Angel wedding hanggang hindi pa natatapos ni Angel ang “Darna.”

Baka naman, bago ang 2016 elections ay maging legal wife na ni Luis si Angel? Tila malaki ang posibilidad na pumalaot na rin si Manzano sa mundo ng pulitika at ayon sa mga nakararami, mas mabuting may katuwang na wife si Luis sa kanyang pangangampanya, if ever! Abang-abang na lang.

TP host?
Did we hear it right na diumano’y si Marvin Agustin ang kinukunsider ng TV5 maging host ng “Talentadong Pinoy”? Tinanggihan ito ni Willie Revillame dahil ibang concept ng show ang gusto niya.

Inalok din daw si Richard Gutierrez, pero tinanggihan diumano ito ng aktor. Mukhang nag-e-enjoy pa si Richard sa kanyang pagbabakasyon matapos ang kontrata niya sa GMA7.

By the way, nagpunta sa Italy si Richard sa imbitasyon ng Ducati Motors para bisitahin ang factory roon. Member ang aktor ng motor riders na nagto-tour nationwide sponsored by Ducati Motors.

Going back to Marvin, carry naman niya siguro kung siya ang magho-host ng “Talentadong Pinoy.” Nag-host na siya noon ng isang reality show at isang cooking show. Matagal-tagal na ring hindi siya napapanood sa TV. Magandang comeback ang TP kung siya na nga ang final choice ng TV5 na maging host nito.

BF-GF na?
Sina Rocco Nacino at Lovi Poe kaya ang peg nina Paulo Avelino at KC Concepcion? Ayaw pa rin kasi nilang umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ganoon ang “drama” nina Rocco at Lovi na recently lang finally umamin sa kanilang relasyon.

Kamakailan lang, magkasama sina Paulo at KC sa Baguio kung saan tagaroon ang aktor. May mga post pa si KC ng pictures nila sa kanyang Instagram account.

May tsika ngang diumano’y matagal nang mag-BF-GF sina Paulo at KC. Tuma-timing lang daw ang dalawa para aminin ang kanilang relasyon. Abang-abang na lang pag may time.

comments