Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dingdong, feel na feel ang pagiging daddy

Dingdong, feel na feel ang pagiging daddy

Dingdong Dantes

by Rowena Agilada

KAPAG pinapanood namin si Dingdong Dantes sa “Ang Dalawang Mrs. Real,” para bang feel na feel niya ang pagiging daddy. May anak na sila ni Lovi Poe (as Shiela). Kung sabagay, sinasabi ni Dingdong sa mga interbyu sa kanya na gusto na niyang magka-baby.

Handa na raw siyang maging daddy. For sure, guwapo o maganda ang magiging baby nila ni Marian Rivera kung sila talaga ang magkakatuluyan bilang mag-asawa.

Bilang Anthony Real sa “Ang Dalawang Mrs. Real,” may mga nagagalit sa panloloko ni Dingdong sa dalawang asawa niya, Maricel Soriano (as Millet) at Lovi. May mga naaawa naman kay Dingdong dahil ipit na ipit siya sa sitwasyon. Di biro ’yung paroo’t parito siya sa Cebu at Maynila para makapiling ang dalawa niyang asawa.

Paigting nang paigting ang mga kaganapan sa ADMR at kaabang-abang ang paghaharap ng dalawang Mrs. Real ni Anthony.

May chemistry
Ipinapalabas na ang trailer o teaser ng “Sa Puso ni Doc” na tinatampukan nina Dennis Trillo at Bela Padilla. May screen chemistry ang dalawa na kung wala lang sigurong boyfriend si Bela, hindi malayong ma-in love si Dennis sa kanya. Hindi kaya?

For the longest time, walang love life si Dennis. Si Bianca King ang huling girlfriend ng Kapuso actor. ’Heard, may non-showbiz BF si Bianca.

Si Neil Arce ang boyfriend naman ni Bela at over two years na sila together. Supportive ever ito kay Bela at hindi isyu sa kanila kung may sweet moments na eksena sina Dennis at Bela sa “Sa Puso ni Doc.” Medical series ito na mapapanood sa GMA.

Naudlot
Sayang at hindi na tuloy ang pagsasama nina Aljur Abrenica at Alden Richards sa pelikulang “Cain at Abel.” Is it true, nag-back out si Aljur? Bakit kaya?

Excited pa naman si Alden sa pagtatrabaho sana nila ni Aljur sa pelikula. Una silang nagkatrabaho sa isang episode ng “Magpakailanman.”

Wala pang bagong teleserye ang dalawang Kapuso actors at napapanood lang sila sa SAS (“Sunday All Stars”). Huling napanood si Alden sa “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo). Si Aljur naman ay sa “Kambal Sirena.” Nagtatanong ang kanilang fans, ano raw ba ang susunod na project ng kanilang mga idolo?

comments