Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Vicki Belo, damay sa Raymart-Claudine issue

Vicki Belo, damay sa Raymart-Claudine issue

janno-manilyn

by Rowena Agilada

DAMAY si Dra. Vicki Belo sa isyu sa estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Sa VTR ni Claudine sa “Face the People” (TV5), sinabi niyang gusto niyang malaman kung ano talaga ang naging transaction nina Dra. Vicki at Raymart.

Ayon kay Claudine, noong 2007 ay may naka-deposit na R1 million sa bank account ni Raymart mula kay Dra. Vicki. Ayon pa kay Claudine, hindi pa sila nagkausap ni Dra. Vicki. Ano kaya’ng reaction ni Dra. Vicki sa pahayag na ’yun ni Claudine sa VTR?

Di mag-BFF
Consistent si Mona Louise Rey sa pagsabing hindi sila mag-BFF ni Jillian Ward. Inihayag niya ito noong presscon ng “My BFF” at ganito rin ang sinabi ni Mona noong nakausap namin sa taping ng “My BFF” sa Semicon building sa Marcos Highway, Antipolo.

“Friends po kami ni Jillian, pero hindi kami best friends. Hindi nga po kami nakakapag-bonding sa taping. Magkaiba po kami ng dressing room,” wika ni Mona. At least, nagpakatotoo ang bagets, di ba? Walang halong kasyobisan kung sumagot.

Bunso si Mona sa apat na magkakapatid at naging honest din siya nang sabihin niyang hiwalay ang parents niya. Taga-Bahrain ang biological dad niya. Aniya, may restaurant ito sa Bahrain. Matagal na niyang hindi nakikita ang daddy niya. Two years ago pa sila huling nag-text sa isa’ t isa.

Ani Mona, wala naman siyang sama ng loob sa daddy niya. Hindi niya alam kung may iba na itong pamilya. Wala siyang stepdad dahil since naghiwalay ang parents niya, nanatiling single ang mommy niya, ayon kay Mona.

No bonding moments
Kung walang stepdad si Mona Louise Rey, meron naman si Jillian Ward. Namatay sa isang motorcycle accident ang biological father ni Jillian noong bata pa siya. Nine years old na siya ngayon at parang tunay na anak ang trato sa kanya ng stepdad niya na kasama niya sa taping, pati ang kanyang biological mom. May half-sister si Jillian at aniya, mahal na mahal niya ito.

Inamin naman ni Jillian na wala silang bonding moments ni Mona Louise kapag nasa taping sila ng “My BFF.” Ani Jillian, si Manilyn Reynes ang ka-bonding niya. Si Manilyn ang gumaganap na mommy nina Jillian at Mona sa “My BFF.”

Pansin nga namin noong dumalaw kami sa taping ng “My BFF” na hindi close sa isa’t isa sina Jillian at Mona. Kung si Manilyn ang ka-bonding ni Jillian, si Pen Medina naman na gumaganap na lolo nila ang kalaro ni Mona. Pinagtripan pa niyang kunan ng picture si Pen mula sa kanyang tablet. Tawa nang tawa ang bagets sa itsura ni Pen.

comments