Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Janno denies daughter is pregnant

Janno denies daughter is pregnant

JANNO Gibbs

by Rowena Agilada

AWARE si Janno Gibbs na natsitsismis na buntis na naman ang panganay na anak nila ni Bing Loyzaga na si Alyssa. Aniya, pangalawang beses na itong natsismis na buntis ang anak nila at nagagalit si Bing.

Ani Janno, hindi nila alam kung saan nanggaling o sino ang nagkakalat na buntis ang anak nila. Hindi naman daw affected si Alyssa. May boyfriend ito, pero hindi ito buntis, mariing sabi ni Janno nang nakausap namin sa taping ng “My BFF.”

Alyssa is 25 years old at okey kay Janno kung gusto na nitong mag-asawa. Tapos na ito ng kolehiyo sa Ateneo University ng kursong Psychology. May online clothing business si Alyssa.

Ang pangalawa nilang anak ni Bing na si Gabrielle ay 17 years old at nag-aaral sa La Salle Benilde. Okey, alright na ang relasyon nila ni Bing, ayon kay Janno. “Tiyaga lang. Marami kaming pinagdaanan noon,” he said.

Samantala, happy si Janno sa magandang feedback sa “My BFF.” Aniya, walang problema at parating happy sa set. Okey ang working relationship nila ni Manilyn Reynes at ng ibang cast members. Double effort nga lang siya sa mga drama scenes sa “My BFF” dahil hindi naman siya drama actor,” ani Janno.

Lilipat ba?
Kay Janno namin nalaman na posibleng lilipat (o lumipat na?) si Jay-R sa ABS-CBN. Hindi na ito napapanood sa SAS (“Sunday All Stars”).

Ayon kay Janno, nakausap niya si Jay-R at nirerespeto niya kung anuman ang maging desisyon nito. Hindi niya ito kokontrahin. Nanghihinayang lang siya (Janno) dahil asset si Jay-R sa SAS.

Sinabi niya raw ito sa production staff at tinanong siya kung lilipat ba raw si Jay-R?

Ayon kay Janno, muntik na rin siyang lumipat noon sa ABS-CBN. Nagtampo siya sa GMA7, kaya nagpunta siya sa Kapamilya Network at nakipag-usap. Nailatag na ang mga plano para sa kanya, subalit pinigilan siya ng GMA, kaya naudlot ang paglipat niya sa ABS-CBN.

“Matagal na ’yun,” ani Janno. “Siguro nagalit sa akin ang ABS-CBN, kaya malabong alukin nila akong magtrabaho roon. Masaya naman ako sa GMA at hanggang gusto nila ang serbisyo ko, hindi ako aalis,” lahad ni Janno.

Away-bati
Hindi ma-imagine ni Manilyn Reynes kung sila ni Janno Gibbs ang nagkatuluyan bilang mag-asawa. Nagkarelasyon sila noong nasa “That’s Entertainment” pa sila at ani Manilyn, parati silang nag-aaway noon ni Janno. Away-bati sila noon.

Palibhasa’y pareho pa silang mga bata noon ni Janno, kaya hindi pa nila kayang mag-handle ng relasyon. Nakarelasyon din noon ni Janno si Bing Loyzaga na taga-“That’s Entertainment” din. Silang dalawa ang nagkatuluyan.

Okey na sila ngayon ni Bing, ani Manilyn. Gusto nga niyang mag-guest ito sa “My BFF.” Ayon kay Manilyn, kapag break time nila, tsikahan sila ni Janno tungkol sa mga bagay-bagay.

Manilyn is happily married to Aljon Jimenez na tumatayong manager niya ngayon. Twenty-three years na sila together, blessed with three children, Kyle (17 years old), Kurt (11), and Kael (3).

comments