Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Off-cam love triangle

Off-cam love triangle

Ruru Madrid with Gabriel Garcia and Ashley Ortega

POSIBLE kayang magkaroon ng love triangle off-camera sina Ruru Madrid, Gabrielle Garcia at Ashley Ortega? Magkakasama ang tatlong GMA Artist Center talents sa “My Destiny” kung saan may mamumuong love triangle sa kanila.

Ruru plays Paul Andrada at girlfriend niya si Nicole (Gabrielle). Best friend ni Nicole si Alex (Ashley) na eventually ay magiging close kay Paul. Magkakaroon ng isyu sina Paul at Nicole sa kanilang relasyon at magiging confidante ni Paul si Alex.

Sa pocket presscon para sa tatlong bagets, kapuwa inamin nina Gabrielle at Ashley na crush nila si Ruru. Ayon kay Gabrielle, good friends ang kanilang respective families at kumakain sila sa labas ni Ruru kasama ang mga ito.

Makulit at pasaway si Ruru, ayon kay Gabrielle. “No dull moment with Ruru,” ani Gabrielle.

Aniya pa, sobrang thankful siya sa GMA na isinama siya sa cast ng “My Destiny.”

Gabrielle is turning 16 on Dec. 2 at nanalo siya bilang Little Ms. Solaine (dating Shellane) 2013. She’s 5’6” ft. tall at gusto niyang mag-join sa beauty contest. Fourth year high school student si Gabrielle sa St. Paul’s (Pasig) sa ilalim ng isang special education program for the artists like her.

Masasaktan
Ashley Ortega is 15 years old, 5’5” ang height at gusto niyang sumali sa Miss World-Philippines. Half-Filipino, half-German ang mommy niya. Spanish naman ang daddy niya.

Nagkatrabaho na sila ni Ruru sa “Magpakailanman,” “Dormitoryo” at “Bamboo Flowers,” kaya komportable na siya with him. Si Ashley ang nanalong Miss Olive-C 2014.

“Cute si Ruru, sobrang talented. Pag niligawan niya si Gabrielle, masasaktan at magseselos ako, pero kaunti lang (laughs),” ani Ashley.

Crush din niya si Tom Rodriguez na kasama nila sa “My Destiny” at ani Ashley, kinikilig siya kapag tinitingnan niya ang mga mata ni Tom.

Friends lang muna
Feeling super pogi at haba ng hair ni Ruru na parehong may crush sa kanya sina Gabrielle at Ashley. Sino sa dalawa ang type niya?

“Type agad? Hindi ba pwede silang dalawa ang ligawan ko? (laughs),” wika ni Ruru.

“Magkaiba ang ganda nila. Morena si Gabrielle, mestisa si Ashley. Pero pareho silang mabait.”

Kanino kaya siya posibleng madebelop? “For now, friends lang muna. Focused muna ako sa career ko. Pag established na, saka na ako manliligaw. Kung sino kina Gabrielle at Ashley, aniya, “Secret! (laughs).”

Given a choice, sino sa dalawa ang gusto niyang ka-love team sa “My Destiny”?

“Kahit sino, okey lang sa akin. Ayokong mamili dahil pareho kong friends sina Gabrielle at Ashley. Trabaho lang kaming tatlo at nage-enjoy kami.”

Kasama nila sa “My Destiny” sina Tom Rodriguez at Carla Abellana at ayon kay Ruru, hindi niya alam kung may namamagitang “something” sa dalawa. “Basta pag nasa taping kami, nakikita ko sweet sila. Nag-aasaran sila,” ani Ruru.

Ruru was 13 years old noong una siyang nagka-girlfriend. Two months lang silang tumagal. Nakatatlong GFs na siya, ayon kay Ruru. Sixteen years old na siya ngayon.

Runner-up si Ruru sa “Protégé: The Battle for the Big Artista Break” na ang grand male winner ay si Jeric Gonzales.

Regular 4th year high school student si Ruru sa National Christian Life College sa Marikina.

comments