Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » TV5: Paolo Bediones sex video scandal, smear campaign lang

TV5: Paolo Bediones sex video scandal, smear campaign lang

paolo bediones

PINAG-UUSAPAN ngayon ang diumano’y sex video scandal ni Paolo Bediones. Diumano, isang starlet ang kasama ng TV host sa naturang sex video.

Ayon sa ilang sources, matagal na ang sex video na ’yun at nasa GMA7 pa si Paolo. Nasa TV5 na siya ngayon at suportado siya ng Kapatid Network sa iskandalong kinasasangkutan niya ngayon. Ayon sa management, smear campaign lang ’yun at gusto lang sirain ang reputasyon ni Paolo.

As of presstime, wala pang pahayag ang TV host hinggil sa isyu. May galit o inggit factor siguro kay Paolo kung sino man ang nagkalat ng kanyang sex video sa ilang networking sites.

alden richards

Damay
Ano kaya’ng pakiramdam ni Aljur Abrenica noong umapir siya sa SAS (Sunday All Stars) para mag-promote ng isang brand ng kape? Hindi kaya may ilang o asiwa factor matapos siyang maghain ng reklamo sa korte at gusto niyang magpa-release ng kanyang kontrata sa GMA7?

Hindi kaya napilitan lang si Aljur lumabas sa SAS dahil kailangan niyang mag-promote ng kapeng ini-endorso niya? Or else!

Damay si Alden Richards sa isyu kay Aljur. May mga nagsasabing diumano’y siya ang mahigpit na kinaiinsekyuran ni Aljur. Pinagkukumpara ang akting nila; di hamak daw na mas magaling si Alden.

Nag-join noon sa “Starstruck” si Alden nguni’t hindi siya pinalad makapasok sa top finalists ng naturang reality talent search show, samantalang pasok sa top finalists at nakasali sa Final Four si Aljur na tinanghal na Ultimate Hunk.

Sa bagong reality talent search ng GMA, co-host ni Regine Velasquez si Alden sa “Bet ng Bayan.” Panibagong hamon na naman ito sa kakaibang talento ni Alden na subok na ang kakayahan sa akting.

Ongoing na ang nationwide auditions para sa BNB na open sa male and female, 15 years old and above. Pwedeng solo, duo o grupo. Magdala ng birth certificate, picture, ID with address at maghanda ng one-minute act. Ang auditions ay sa Aug. 1 and 2 sa mga sumusunod na lugar: SM Fairview, SM Sta. Rosa, Laguna at SM General Santos; Aug. 2 and 3 sa Iligan (Gaisano).

LOVI Poe

Nasampal din
Nakatikim din si Lovi Poe ng matinding sampal mula kay Maricel Soriano. Sa confrontation scene nila ’yun sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Proud pa nga si Lovi na nasampal siya ni Maricel.

Marami pang dapat abangan sa mga susunod na episodes ng ADMR na hindi dapat palampasin ng televiewers. May mga bagong twist at pasabog na mangyayari.

comments