Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sarah G named most beautiful star

Sarah G named most beautiful star

SARAH Geronimo

NO show si Matteo Guidicelli sa press presentation ng “Yes!” magazines’s Most Beautiful Stars for 2014. Nasa Fit & Fab category ang boyfriend ni Sarah Geronimo na siyang Most Beautiful Star. Unanimous choice siya ng staff, ayon sa editor-in-chief na si Ms. Jo-Ann Maglipon.

Hindi naman makapaniwala si Sarah. Nagulat daw siya rito. “Totoo ba ’yun? Nahihiya ako,” sambit ng Popstar Princess. Ganda-gandahan at seksi-seksihan si Sarah sa tight-fitting white dress na likha ni Pepsi Herrera.

Si Iya Villania ang host ng event at tinanong niya si Ms. Jo-Ann bakit si Sarah ang Most Beautiful Star sabay tabi ng face niya sa mukha ni Sarah. “Sarah is a genuine star constantly praised for her talent, but not enough, for her beauty should take center stage, at a time when she has given all of us personal notice that this is who she is, this is her as a lady grown into a woman, this is her at her most beautiful,” paliwanag ni Ms. Jo-Ann. Tama!

At 26, ngayon pa lang nag-bloom ang beauty ni Sarah. May kinalaman kaya si Matteo Guidicelli sa magandang aura ngayon ni Sarah? Need we say more?

HEART Evangelista

Sayang!
Sayang at wala si Heart Evangelista sa event ng “Yes!” magazine. Sana’y nagkita sila ng ex-boyfriend niyang si Jericho Rosales who came with his pretty wife Kim Jones. Nasa Tandems category ang Rosales couple. Nasa Independent Ladies naman si Heart.

Very proud si Jericho nang ipinakilala niya ang kanyang ever-smiling pretty wife sa mga naroong entertainment press. Ano nga kaya ang naging scenario kung ’andun si Heart?

Bakas sa mukha ni Jericho ang kaligayahan ngayong may asawa na siya. Kulang na lang ang baby para makumpleto ang pamilya niya. Aniya, hindi pa buntis ang wife niya at nasa honeymoon stage pa rin sila.

Louise Delos Reyes

Nanghinayang kaya?
Third time na ni Louise delos Reyes makasama sa “Yes!” 100 Most Beautiful Stars list, kaya sobrang thankful siya sa staff na isinama siya sa TV Draw category. Pinaghandaan niya ang event at kumuha pa si Louise ng sariling stylist. Hindi siya nagpakabog sa ibang celebrities who graced the occasion. Ganda-gandahan at classy ang dating ng Kapuso actress sa kanyang red outfit.

Tinanong si Louise tungkol sa isyu kay Aljur Abrenica at aniya, kaibigan niya ito. “Desisyon niya ’yun (pag-alis sa GMA7). Kung saan siya masaya, nirerespeto ko ang desisyon niya,” sambit ni Louise.

“Paano ’yan, hindi na kayo magkakatrabaho ni Aljur kapag wala na siya sa GMA? Hindi ba siya nanghihinayang?” tanong ng isang entertainment writer. Ngiti lang ang isinagot ni Louise. No talk, no mistake nga naman.

comments