Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Tom, Carla bigay-todo sa halikan

Tom, Carla bigay-todo sa halikan

TOM Rodriguez and Carla Abellana

KABOG ni Ryzza Mae Dizon ang mga Kapuso child stars na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey. Kasama si Aling Maliit sa “Yes!” magazine’s 100 Most Beautiful Stars for 2014 at nasa Wonder Kids category siya along with Bimby Yap, Andrea Brillantes, and Raikko Mateo.

Nang tinanong si Ryzza kung maganda ba siya, aniya, “Parang hindi naman po,” sabay kibit ng balikat. Sabi pa ng bagets, ang maganda para sa kanya ay ’yung happy lang, hindi sad.

Katabi niya sa upuan si Tom Rodriguez at kilig-kiligan si Aling Maliit. Crush pala niya ang Kapuso actor, kaya behave lang si Ryzza, lalo na nang tuksuhin siya ni Rocco Nacino. May-I-close-up smile naman si Tom na pogi points ang dalawang dimples sa magkabilang pisngi.

Inspirasyon
Ang ganda ng ngiti ni Tom Rodriguez nang tanungin siya tungkol kay Carla Abellana. Wala ang Kapuso actress sa press launch ng “Yes!” magazine’s 100 Most Beautiful Stars. Kasali sila ni Tom sa Primetime Big Hitters category.

Anang Kapuso actor, Carla inspires him a lot. Hindi niya sinabi kung nanliligaw na siya sa Kapuso actress. Basta ani Tom, much closer sila ngayon ni Carla at iba na ang level ng pagtitinginan nila kumpara noong una silang nagkatrabaho sa “My Husband’s Lover.”

Halata namang very much comfortable sina Tom at Carla sa pagtatrabaho nila ngayon sa “My Destiny.” Pareho silang bigay-todo sa kanilang kissing scenes, as if walang kamerang nakatutok sa kanila. Ang mga tinginan (o titigan?) nila’y parang tagos sa puso. Pansinin n’yo lang!

Nagbabakasyon
Wala si James Yap sa press launch ng “Yes!” magazine’s 100 Most Beautiful Stars. Kasama ang basketball superstar sa Athletes category along with Jeron Teng na no show rin sa event.

Nasa Italy pa si James at nagbabakasyon kasama ang girlfriend niyang si Michaela Cazzola. Sila ang cover ng “Yes!” magazine para sa August issue nito. Ang dami nilang exclusive photos at ang ganda ng article tungkol sa kanila.

Nagkakilala sila mid–2011 sa isang gathering sa EDSA Shangri-La Manila hotel. Inimbita sila ng isang mutual friend na mahilig sa basketball at nagtatrabaho sa office ni Michaela. Tsika-tsika sila, pero nahiya si James kunin ang contact number ni Michaela. Sa isang mutual friend nila kinuha ni James ang number ni Michaela.

Pag-uwi ng bahay, tinext ni James si Michaela and asked her out. Nagkita sila the following night after dinner sa BGC (Bonifacio Global City). Ikot-ikot lang sila around the area, sakay ng kotse ni James. Bumili lang si James ng food sa 7-Eleven convenience store.

Nasundan pa ng maraming beses ang “date” nina James at Michaela hanggang naging officially together sila in 2012.

Michaela was born on Oct. 27, 1982 in Pesaro, Italy. Graduate siya ng International and European Studies (under political science) sa University of Florence in Tuscany, Italy. May master’s degree (International Diplomatic Studies) siya mula sa University of Siena, also in Tuscany.

Nagtrabaho si Michaela sa Ministry of Economy and Finance sa Italy. Nagtatrabaho siya ngayon sa isang international financial institution na may branch sa Metro Manila. Since December 2009 pa siya nagtatrabaho sa naturang financial institution.

Doctor (retired general practitioner), chemist at pharmacist ang father ni Michaela. Chemist at microbiologist naman ang mother niya.
Noong bata pa si Michaela, madalas siyang magpunta sa Pilipinas dahil may business ang grandparents niya. Nagkaroon siya ng mga Pilipinang yaya noong growing up years niya sa Italy.

More interesting stories about James and Michaela sa August issue ng “Yes!” magazine.

comments