Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aljur nasulsulan lang

Aljur nasulsulan lang

DEREK Ramsay

IT (bad luck) comes in three’s, so to speak, kaya tatlong Kapatid stars ang magkakasunod na may isyu ngayon. Una si Daniel Marsh ng Juan Direction na nakaengkuwentro ng isang taxi driver dahil sa malaking singil nito sa kanya.

Pangalawa’y si Paolo Bediones sa sex video scandal at pangatlo’y si Derek Ramsay na sinampahan ng kasong Anti-Violence against Women and their Children or Violation of Republic Act No. 9262 ng diumano’y asawa niyang si Mary Christine Jolly. Ayon sa report, diumano’y hindi nagbibigay ang aktor ng financial support sa 11-year-old son nilang si Austin Gabriel.

As of presstime, wala pang pahayag si Derek hinggil sa kasong isinampa laban sa kanya. Si Paolo naman ay dumulog na sa PNP (Philippine National Police) para sa karampatang aksiyon kaugnay ng kumalat na sex video niya kasama ang isang diumano’y starlet.

May ulat na diumano’y may grupong humihingi ng extortion money kay Paolo para hindi nila ilabas ang sex video ng TV host. And how true kaya na may isa pang sex video si Paolo na kasama naman ang isang dating co-host niya sa isang reality show niya noon sa GMA7? And how true pa rin na diumano’y tatlong cases ng sex video scandal na kinasasangkutan ni Paolo at magkakaiba ang mga babaeng kasama niya?

Aljur Abrenica

Nasulsulan lang?
Over dinner, napag-usapan si Aljur Abrenica ng isang grupo ng entertainment writers at ilang talent managers. Ill-advised daw si Aljur at sino raw kaya ang nagbigay ng ilusyon sa kanya na super sikat na siya?

Ayon sa isang reporter, may outside forces daw na nagsulsol kay Aljur para magpa-release ng kanyang kontrata sa GMA7 kahit hanggang 2017 pa ang bisa nito. Sabi ni Aljur, hindi na siya masaya, kaya gusto na niyang kumawala sa kanyang kontrata.

Ayon sa isang reporter, hindi lang daw kay Alden Richards nai-insecure si Aljur, pati kay Dingdong Dantes. Ang gusto raw pala ni Aljur ay kagaya ng ginawang pag-launch kay Dingdong ang gawin sa kanya. Magaganda raw ang ibinibigay na projects sa Kapuso Primetime King.

Itinanggi naman ni Aljur sa isang nakausap na reporter na nai-insecure siya kay Alden at sa ibang Kapuso actors.
Ayon naman sa isa pang reporter, ayaw mag-shoot ni Aljur ng “Cain at Abel” na dapat ay pagsasamahan nila ni Alden. Naka-two or three shooting days na raw si Alden. The latest we heard, tila shelved na ang movie project na ito. O, baka kumuha na lang ng kapalit ni Aljur.

3dingdong

Birthday boy
Birthday kahapon ni Dingdong Dantes at ewan kung natuloy ang plano niyang magpunta sa Estancia, Iloilo para sa isang charity project sa mga eskuwelahan doon.

’Yun ang sinabi ng Kapuso Primetime King the last time na nakausap namin siya. Baka raw isama niya si Marian Rivera para makibahagi sa pinaplano niyang project na ’yun. In any case, natuloy man o hindi si Dingdong sa Iloilo, happy birthday na lang.

Samantala, ang daming pumupuri sa acting ni Dingdong sa confrontation scene nila ni Maricel Soriano sa “Ang Dalawang Mrs. Real.” Nag-level up na talaga ang pagiging aktor ni Dingdong. Kumuha pa siya ng acting coach sa heavy scenes niya with Maricel kung saan paulit-ulit siyang sinampal at sinabunutan ng Diamond Star. Battered husband nga si Dingdong bilang Anthony Real.

“Kaya ba ni Aljur (Abrenica) ang gano’ng acting ni Dingdong?” pagtataray ng isang talent manager na na-“addict” nang panoorin ang ADMR dahil sa mahuhusay na performances ng buong cast.

comments