Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Geoff may pasaring pa rin

Geoff may pasaring pa rin

DINGDONG Dantes and Marian Rivera2

ANO naman kaya ang inihanda ni Dingdong Dantes para sa birthday ni Marian Rivera on Aug. 12? Kinarir ng Kapuso Primetime Queen ang surprise birthday party para kay Dingdong on the eve of his birthday on Aug. 1 na ginanap sa Manila Peninsula Hotel.

Pamilya ni Dingdong at close friends ang nakiisa sa kanyang 34th birthday. ’Andun ang paborito niyang banda na Wolfgang. Nag-post si Marian sa kanyang Instagram account ng photo ni Dingdong with his birthday cake na ang caption ay: Makita ko lang ang mga ngiting ’yan at maningning na mata mo saya…Haay hindi matatawaran ng ligayang nararamdaman ko hanggang kaya ko iparamdam at gawin yan sa yo araw-araw na ibinibigay ng Diyos na buhay gagawin ko…Makita ko lang ’yan palagi sa yo. Happy Birthday Dad! I love you.”

Halatang super madly in love si Marian kay Dingdong na ginagawa at gagawin lahat para mapasaya/mapaligaya ang kanyang daddy (term of endearment ni Marian kay Dingdong). Kailan kaya ang pinakahihintay na marriage proposal mula sa kanyang daddy? This year? Next year? Or very, very soon?

Magkasamang magbabakasyon
Dinadaan ni Tom Rodriguez sa pagsulat ng mga tula at kanta ang pagpaparamdam niya kay Carla Abellana. Kilig much naman ang Kapuso actress dahil aniya, wala nang gumagawa ng ganoon sa panahon ngayon. Para mag-effort si Tom, pogi points ’yun sa kanya, di ba naman?

May tsikang nakarating sa amin na pupunta si Carla sa Sydney, Australia sa November this year para magbakasyon at kumuha ng Australian visa. Kasama niya ang kanyang mommy at kapatid.

Manonood din sila ng concert doon ni Katy Perry on Nov. 25. Ayon pa sa tsikang nakarating sa amin, may kasamang someone special si Carla.

Napag-alaman ng source nating last May 26 this year, nagpa-book si Carla sa isang travel agency para sa kanilang flight at hotel accommodations mula Nov. 24 -28. Ayon sa source, kasama sa trip na ’yun ni Carla ang isang certain Bartolome Alberto Mott. Teka lang, hindi ba’t tunay na pangalan ’yun ni Tom Rodriguez? Well, abang-abang na lang kung siya nga ang kasamang someone special ni Carla sa pagpunta niya sa Australia with her mom and sister.

GEOFF Eigenmann

Bitter?
Mukhang bitter-bitteran pa si Geoff Eigenmann sa break-up nila ni Carla Abellana. May mga pasaring ang aktor sa mga ipino-post niya sa kanyang Instagram account.

Hindi pa rin kaya matanggap ni Geoff na siya ang iniwan ni Carla? Ang Kapuso actress ang nakipag-break kay Geoff.

Missing in action si Geoff matapos ang “Adarna” na huling teleserye niya sa GMA7. Ano na nga bang pinagkakaabalahan niya ngayon? Si Carla, super busy sa kanyang work. Dalawa ang TV shows niya at may pelikula pa.

comments