Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sid umamin na sa relasyon with Alex

Sid umamin na sa relasyon with Alex

SID Lucero

SI Jericho Rosales ba ang peg ni Patrick Garcia sa ginawa niyang marriage proposal sa girlfriend niyang si Nikki Martinez? Kinuntsaba rin ni Patrick ang Pastor sa kanilang Christian Fellowship church sa ginawa niyang marriage proposal kay Nikki.

Ganoon ang ginawa ni Jericho. Matapos ang service sa kanilang church, nag-propose siya ng marriage kay Kim Jones na asawa na niya ngayon. May this year sila ikinasal.

March next year naman ang Christian wedding nina Patrick at Nikki. Taga-Dumaguete si Nikki na isang Sunday school teacher sa Alabang.

May lovechild si Patrick kay Jennylyn Mercado, si Alex Jazz na four years old na. Sa isang panayam kay Jen, sinabi niyang okey sa kanya kung maging bahagi si Alex Jazz ng wedding entourage nina Patrick at Nikki.

Willing din siyang pumunta sa kasal ng mga ito kung iimbitahin siya, ayon pa kay Jen.

Alessandra de Rossi

Umamin na
Finally, inamin na ni Sid Lucero na “sila” na ni Alessandra de Rossi. Tampu-tampuhan o galit-galitan pa si Alex kay Heart Evangelista nang ibuking nito sa isang showbiz talk show ang relasyong namamagitan kina Sid at Alex.

Baka naman, nag-alala lang si Alex na kapag inamin niyang boyfriend na niya si Sid ay i-deny siya nito? Mabuti na nga namang ang lalaki ang maunang umamin. Hindi nag-ala Sarah Geronimo at Lovi Poe si Alex. Ang mga ito ang naunang umamin na boyfriends nila respectively sina Matteo Guidicelli at Rocco Nacino.

Ayaw pa ring magsalita ni Alex tungkol sa BF-GF relasyon nila ni Sid. Ngayon lang uli nagka-boyfriend si Alex matapos silang mag-break ni Jeremy Marquez several years ago. Si Sid naman, wala pang isang taon ang anak niya kay Bea Lao (member ng bandang General Luna) ay naghiwalay na sila.

Di pinayagan
Ano ba ’yan? Kung kailan inamin nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang relasyon at saka naman mukhang hinihigpitan (na naman?) ng kanyang parents si Sarah.

Hindi nakasama ni Matteo si Sarah sa ginanap na Ironman triathlon race sa Cebu City. Ang tsika, hindi pinayagan si Sarah ng kanyang parents. Nag-join sa naturang event si Ryan Agoncillo at ’andun si Judy Ann Santos bilang suporta sa kanyang mister. May iba pang celebrities na nakilahok.

Sa isang sports event a few months back ay foursome sina Ryan, Juday, Matteo at Sarah. Nai-post pa ni Ryan sa kanyang Instagram account ang picture na magkakasama silang apat. That time, hindi pa umaamin sina Matteo at Sarah sa kanilang relasyon.

Noon namang nakaraang birthday celebration ni Sarah, natsikang diumano’y nag-walk out ang kanyang mommy Divine noong halikan ni Matteo si Sarah. Ano’ng masama sa birthday kiss ng isang boyfriend sa kanyang girlfriend?

comments