Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Lyca’s tongue needs taming

Lyca’s tongue needs taming

LYCA Gairanod

LITTLE Superstar ang tawag kay Lyca Gairanod, ang grand champion sa “The Voice Kids.” Kung maaalagaan lang nang tama ang singing career ni Lyca, malamang matulad nga siya kay Nora Aunor na naging superstar sa mahabang panahon. Hanggang ngayon si La Aunor pa rin ang kinikilalang superstar.

Parehong inspiring stories ang kanilang buhay. Tindera ng tubig sa train si Nora noon sa Bicol. Mangangalakal naman ng basura si Lyca.

May katabilan nga lang at may tendency magkaroon ng attitude problem si Lyca. Bagama’t nakakaaliw ang pagkabibo niya, may mga bitaw siyang salita na hindi maganda sa pandinig. Gaya ng sinabi niya sa “The Buzz” na ayaw niyang magkaroon ng nunal tulad nung kay Nora dahil baka raw sabihing may kulangot siya.

Nang sabihan naman siya ni Toni Gonzaga na kumanta ng kanta ng Aegis, binara niya si Toni. “Ayoko ng Aegis,” sabi ni Lyca. Sa halip, isang Sharon Cuneta song ang kinanta ni Lyca.

Hindi namin napanood, pero may nakapagsabi sa amin na sa pag-uusap naman nila ni Korina Sanchez sa TV show nito, nang pabirong sabihin ni Korina kay Lyca na mukha siyang 25 years old, binuweltahan niya si Korina na mukha naman itong 100 years old.

Dapat siguro, i-seminar muna si Lyca ng ABS-CBN sa mga dapat at hindi dapat niyang sabihin sa mga nakakausap nito, lalo pa’t on air.

Deadma
Deadma lang si Derek Ramsay sa pasabog ng diumano’y misis niyang si Mary Christine Jolly. Sa kanyang Instagram account, pictures ng mga pamangkin niya ang ipino-post ni Derek. Ni banggit sa sinasabing diumano’y anak niyang si Austin Gabriel kay Mary Christine, waley (as in wala).

Marami ang curious makita ang picture ng sinasabing anak ni Derek kung guwapo rin ba ito tulad niya. As a father, di ba dapat maging proud si Derek, ke kamukha niya o hindi ang sinasabing anak niya? O, baka naman pinoprotektahan lang niya ang bagets kaya ayaw niya itong ipakita? What if, ang ina nitong si Mary Christine ang magpakita ng picture ng anak nila? Deadma pa rin kaya si Derek?

Naglabas naman ang PEP ng mga picture nina Derek at Mary Christine. Parang kuha ang mga ’yun sa isang beach resort. Ewan lang kung kailan pa ’yun. May itsura, bata pa at sexy si Mary Christine. Sweet-sweetan ang mga pose nila ni Derek. May magkayakap, may magka-holding hands, may nakaupo na magkapatong ang kanilang mga hita at nakahilig ang ulo ni Mary Christine sa balikat ni Derek at nakaakbay naman ito.

May kalabuan nga lang ang shots ng mga larawan na kailangang sipating mabuti kung si Derek nga ’yun.

Piolo Pascual

Binosohan
Suwerte naman ni Moi Bien, personal assistant (o alalay) ni Piolo Pascual. Fourteen years na si Moi sa paninilbihan niya kay Piolo at bibihira sa mag-amo ang gano’ng katagal na pagsasama.

Ayon kay Moi, 20 years old pa lang siya noong napunta siya kay Piolo. Kahit nagkaanak siya out of wedlock, hindi siya pinaalis ni Piolo. Magna-nine years old na ang anak ni Moi. Parang kapamilya na ang turing sa kanila ng aktor.

Kahit mas matanda sa kanya si Piolo (late 30s na ang aktor), sabi ni Moi, parang anak ang turing niya kay Piolo at mas mahal pa niya ang aktor kesa sa sarili niyang anak.

’Kaaliw ang kulitan nina Piolo at Moi noong nag-guest sila sa “Gandang Gabi Vice.” Inggit-inggitan nga si Vice Ganda kay Moi, lalo nang sabihin ng huli na minsang nakitaan nito si Piolo noong naliligo ito. Ang ganda raw ng puwet ng aktor. Bosohan ba ang amo?

Tsika pa ni Moi, kapag may ipagagawa o iniuutos sa kanya si Piolo, sinasabihan niya ito na halikan muna siya. Sabi pa ni Moi, kapag gusto niyang tabihan sa higaan si Piolo, nagagawa niya. Pero wala raw ’yung malisya. Owwss? Hindi kaya? Nag-joke tuloy si Vice na hindi raw kaya si Piolo ang ama ng anak ni Moi?

comments
  • ann ramos

    dapat lang turuan ng GMRC is Lyca… lalo pang sisikat ang bata kun maging magalang siya at di kaiinisan…