Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Goma inis sa kawalan ng professionalism

Goma inis sa kawalan ng professionalism

RICHARD Gomez

SIGURO naman, sa bagong game show ni Richard Gomez sa TV5 ay magiging okey na ang working relationship niya sa Kapatid Network. Hindi na siguro siya magpo-post sa kanyang social media account ng reklamo niya sa taping schedule.

Matatandaang noong nag-taping si Gomez ng dapat sana’y reunion project nila ni Sharon Cuneta, naimbiyerna siya sa kawalan ng disiplina sa oras ng production staff. Maraming oras ang nasasayang sa set sa tagal ng ipinaghihintay nila.

May punto naman si Richard. Kung lahat nga naman ay professional sa kanilang trabaho, magiging maayos lahat. Walang magrereklamo. Everybody happy. At least, aware na ang TV5 sa gustong iparating ni Gomez kaugnay ng sistema sa pagtatrabaho niya sa Kapatid Network.

Hiling ng fans
Tanong ng fans and supporters ni Sharon Cuneta, kailan naman daw kaya magkakaroon ng bagong show sa TV5 ang kanilang idolo? Na-shelve ang “My Pirated Family” na pagtatambalan sana nila ni Richard Gomez.

Mabuti pa raw ang aktor, may kapalit na game show. Paano naman daw si Sharon? Matagal nang natapos ang “Madam Chairman,” waley (wala) pa raw bang follow-up project si megastar?

Request ng Sharonians, sana raw kahit musical show uli ang ibigay sa megastar tulad ng ginawa nila ni Ogie Alcasid, ’yung “The Mega and the Songwriter.”

Si Ogie ay may bagong show sa TV5, “Let’s Ask Pilipinas” na siya ang host. Meron pa siyang “Tropa Moko Unli.”

DENNIS Trillo

Strong contender
Sa September na mapapanood sa GMA7 ang medical drama na “Sa Puso ni Doc,” tampok sina Dennis Trillo at Bela Padilla.

Sa ipinapalabas na teaser, may chemistry sina Dennis at Bela. Bagay sila, in fairness!

May kilig factor ang mga pa-cute nilang eksena. Kung wala lang sigurong boyfriend si Bela, pwedeng isiping hindi kaya ma-fall sa kanya si Dennis? For the longest time, single ang Kapuso actor since nag-break sila ni Bianca King. May non-showbiz boyfriend na ito ngayon.

Bukod sa “Sa Puso ni Doc,” may bagong teleserye si Dennis, “Hiram na Alaala” with Kris Bernal, Lauren Young, and Rocco Nacino. Nagsimula na silang mag-taping at ang ilang eksena’y kinunan sa Baguio. Gumaganap bilang mga sundalo sina Dennis at Rocco.

Samantala, umaani ng maraming papuri si Dennis sa performance niya sa “The Janitor,” entry sa ongoing Cinemalaya Independent Film Festival. ’Heard, strong contender si Dennis sa best actor award.

comments