Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian, Carla pinagsasabong

Marian, Carla pinagsasabong

MARIAN Rivera

HINDI lang si German Moreno ang sobrang proud kay Jake Vargas sa mga papuri sa akting nito sa “Asintado.” Ganoon din si direk Maryo J. delos Reyes sa alaga niyang si Miggs Cuaderno na kasama rin sa “Asintado.” Bale ang Kapuso child star ang bida sa naturang indie film na kalahok sa ongoing Cinemalaya Independent Film Festival (CIFF).

Puring-puri rin si Miggs ng mga nakapanood ng naturang indie film sa husay ng pagkaganap niya bilang isang batang autistic. Asintado ito manirador na parating bullseye.

Puring-puri rin si Miggs sa akting niya sa “Children’s Show” na kasali rin sa CIFF. Napapanood si Miggs sa “My BFF” ng GMA7 bilang isang bully.

CARLA Abellana

Pinagsasabong
“Pinagsasabong” ngayon sina Marian Rivera at Carla Abellana. May patutsada ang kani-kanilang fans and supporters kung sino ba raw ang mas may karapatang tawaging Kapuso Primetime Queen?

Sabi ng pro-Carla, nagre-rate ang mga programa ng aktres, kumpara raw sa mga programa ni Marian. May gano’ng factor?

Sorry na lang ang fans and supporters ni Carla dahil mismong GMA ang nagbigay kay Marian ng titulong Kapuso Primetime Queen. Hindi niya hiningi o ipinilit na sa kanya ibigay.

Pwedeng-pwede namang next Kapuso Primetime Queen si Carla. Maghintay-hintay lang ang kanyang fans and supporters. Hindi naman pwedeng dalawa ang reyna sa GMA. For now, masasabing isa lamang sa mga prinsesa ng GMA si Carla at okey lang ’yun sa kanya. Hindi big deal kay Carla kung queen o princess ang kategoriya niya. Basta aniya, ginagawa niya ang lahat para hindi mabigo ang expectations sa kanya ng Kapuso Network.

By the way, birthday ngayon ni Marian at 30 years old na siya. Ano kaya ang gift ng kanyang Daddy Dingdong Dantes?

Music video promo
Hanggang Aug. 22 ang music video promo ng “Sing with My Japs” ni Julie Ann San Jose. In line ito sa hit carrier single niyang “Right Where You Belong” mula sa second album niya titled “Deeper” under GMA Records.

Sa fans na gustong maging bahagi ng music video, magpadala lang ng sarili ninyong video o ng ibang tao habang kinakanta ang “Right Where You Belong” gamit ang video cam o smart phone. Ang minus one ng chorus part ng nasabing single ay maaaring i-down load sa video sharing website – YouTube in MPA format at ipadala sa singwithmyjaps@gmanetwork.com with name and address. Lagyan din ng hashtag na SingWithMyJaps bilang subject ng email.

Ang mapipiling “Right Where You Belong” music video ay ipapalabas sa iba’t ibang programa ng GMA at ilalagay sa YouTube channel ng GMA Records (GMA Records Official) at ipalalabas nationwide sa Kapuso Network at worldwide sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV at GMA Life TV.

comments