Home » Entertainment » Timing » James-Nadine panapat kina Daniel-Kathryn

James-Nadine panapat kina Daniel-Kathryn

James Reid, Nadine Lustre, and Joseph Marco

MULA sa matagumpay na tandem nina James Reid at Nadine Lustre sa “Diary ng Panget: The Movie,” pinagsamang muli ang dalawa sa “Talk Back and You’re Dead” ng Skylight Films. Hango ito mula sa best-selling and hip novel ni Alesana Marie na may gano’n ding pamagat.

Kasama rin sina Joseph Marco at Yassi Pressman, mula sa direksiyon ni Andoy Ranay. Mula sa GMA7 sina Yassi at direk Andoy at anang huli, komportable siya sa pagtatrabaho sa ABS-CBN dahil galing siya sa naturang Kapamilya Network.

First time ni direk Andoy katrabaho si Joseph na taga-ABS-CBN. Aniya, “Lovey to work with Joseph. Nakita ko ang patience sa kanya. Wala siyang reklamo kahit nahirapan siya sa parteng naka-dye ng red ang kanyang hair. I had a great time working with him.”

Good kissers
Maraming kissing scenes sina James Reid at Nadine Lustre sa “Talk Back and You’re Dead.” Sabi ni James, good kisser si Nadine. Good kisser din daw si James, ayon kay Nadine. Aniya, kailangan sa istorya, kaya hindi na siya nag-inarte pa.

Ayon kay direk Andoy, last two shooting days nila nang kunan niya ang maraming kissing scenes nina James at Nadine at very cooperative naman ang dalawa.

Pinaaabangan ni direk ang eksenang nagluluto ng itlog si James, kaya naintriga ang entertainment press, lalo na ang mga gay reporters. “Basta, panoorin n’yo ang pelikula,” sambit lang ni direk Andoy.

Ang “Talk Back and You’re Dead” ay nagkamit ng mainstream na popularidad sa mga teenager hindi lamang sa paperback kundi pati sa online Wattpad. Tungkol ito sa teen romance na may elemento ng aksiyon. Love triangle rito sina James, Nadine at Joseph.

Pilitin ba?
Sa presscon pa rin ng “Talk Back and You’re Dead,” natawa na lang sina James at Nadine sa pagpu-push ng mga reporter tungkol sa kanilang relasyon. Sabi ni James, walang romance na namamagitan between them. Friends lang sila ni Nadine.

Pakilig o pakiyeme naman ni Nadine, may pag-asa si James at sasagutin niya ito kung liligawan siya nito. “Sige, push-push pa (laughs),” wika ni Nadine.

Pantapat daw sila sa love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo? Ani Nadine, hindi sila nakikipagkumpitensiya sa love team ng dalawa. Wala raw dahilan, aniya pa. Iba raw ’yung ini-o-offer ng love team nina Daniel at Kathryn at iba rin ’yung kayang i-offer ng love team nila ni James.

comments