Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » New love ni Mommy D apprub kay Jinkee

New love ni Mommy D apprub kay Jinkee

Thea Tolentino

THEA Tolentino is turning 18 on Aug. 13 at sa Calamba, Laguna gaganapin ang kanyang debut party. Tagaroon kasi ang pamilya ni Thea. Ang Pinoy Superman na si Herbert Chavez ang designer ng gown ng Kapuso star at butterfly ang theme ng kanyang debut party. Pink and lavander ang motif.

Dahil wala siyang boyfriend, ang kanyang daddy ang escort at first dance niya, ayon kay Thea. Aniya, talagang pinag-ipunan niya ang gagastusin para sa kanyang birthday party dahil minsan lang siya magde-debut.

Siyempre, invited si Jeric Gonzales na dating ka-love team ni Thea. Aniya, friends lang sila at never siyang niligawan ni Jeric. May mga inimbita rin siyang iba pang showbiz friends at non-showbiz na kababayan niya sa Calamba, Laguna.

Mommy Dionisia Pacquiao

Happy heart
Kung tutol si Manny Pacquiao sa pagkakaroon ng boyfriend ng kanyang mommy Dionisia, okey naman sa misis niyang si Jinkee. May karapatan naman daw lumigaya ang kanyang mother-in-law at kung saan ito masaya, suportado niya si mommy Dionisia. Hindi kaya pagawayan nina Manny at Jinkee ang pagkampi ng misis niya kay mommy Dionisia?

Tutol din ang iba pang anak ni mommy Dionisia sa kanyang boyfriend na Michael ang pangalan. Taga-Cebu raw ito at balitang magtatrabaho abroad. Ang tanong, hindi raw kaya si mommy Dionisia ang gagastos sa pangingibang-bansa ng kanyang BF?

Pagtatanggol ni mommy Dionisia, hindi raw oportunista ang kanyang BF. Mabait daw at magkasundo sila.

Ayon sa ilang taong nakausap namin, para raw namumukadkad na teenager si mommy Dionisia at mukhang hahamakin lahat, masunod lang ang tibok ng kanyang puso. ‘Yung iba naman, may inggit factor dahil sa edad ni mommy Dionisia (over 60 years old), may lovelife pa. Maging happy na lang kaya tayo para kay mommy Dionisia?

ALJUR Abrenica
Frozen delight na?
Ano na kayang bagong development sa isyu ni Aljur Abrenica sa GMA7? Nagkaayos na kaya sila? O, magiging frozen delight na si Aljur?

Base sa official statement ng Kapuso Network, hindi nila iniri-release ang kontrata ng kanilang talent kung wala itong magandang dahilan.

Sa kagustuhan ni Aljur na magparelease ng kanyang kontrata kahit hanggang 2017 pa ang bisa nito, may tsikang nakarating sa amin na diumano’y may mga Kapuso stars ang lihim na natutuwa. Mabibigyan daw sila ng tsansang magkaroon ng project kung patuloy na tatanggi si Aljur at magmamatigas sa kanyang desisyong layasan ang GMA Network.

Sa totoo lang, marami ang naghihintay na mabigyan sila ng break. Sa totoo pa rin lang, marami naman ang puwedeng i-build up ng GMA.

Bagong Koreanovela
Dahil mahilig ang Pinoy televiewers sa mga Asianovela, isa na namang Koreanovela ang handog ng GMA7. Ito’y ang “I Hear Your Voice” na mapapanood simula mamayang gabi pagkatapos ng “Ang Dalawang Mrs. Real.”

Romantic-comedy-fantasy ang “I Hear Your Voice” na tiyak na kalulugdang subaybayan ng televiewers.

comments