Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Marian calls Ana, Roxee real friends

Marian calls Ana, Roxee real friends

MARIAN Rivera and Anna Feleo

TODAY ang 30th birthday ni Marian Rivera at feeling nasa cloud nine pa rin siya matapos mag-propose ng kasal sa kanya si Dingdong Dantes on national TV sa live show ng “Marian.” Post ng Kapuso Primetime Queen sa kanyang Instagram account: “Hanggang ngayon nasa alapaap pa rin ako, lalo na sa sinabi mong ako ang sagot sa ‘yong mga dasal at gusto mong ipagsigawan sa mundo kung gaano mo ako kamahal. .. haaay mahal ko … Mahal na mahal din kita!”

Parang eksena sa teleserye o pelikula ang marriage proposal ni Dingdong kay Marian na marami ang kinilig, lalo na ang DongYan fanatics. Sabi ni Marian, makakatulog na siya nang mahimbing. More than five years na nga naman ang relasyon nila ni Dingdong at ngayong engaged na sila, may assurance na talaga si Marian.

Kung paniniwalaan ang umiikot na tsika, tila sa December this year na magpapakasal sina Dingdong at Marian. May humula pang this is the best or right year para magpakasal sila at magiging masuwerte ang kanilang union. Kapag nagkataon, royal wedding ito ng Kapuso Primetime King and Queen. Mabuhay!

May nabasa pa kaming post sa isang social media na may gagawa na ng wedding gown ni Marian. Kung tama kami, sa mga celebrity ay si Dingdong pa lang ang nagpropose ng marriage on national TV na nasaksihan ng sambayanang Pilipino.

Walang pakialam
Sa birthday show pa rin ni Marian Rivera sa “Marian,” nalamang dalawa lang pala ang itinuturing niyang best friends sa showbiz … sina Ana Feleo at Roxee Barcelo na nakatrabaho niya sa “Amaya.” Nagkasama rin sina Marian at Roxee sa “Darna” in 2009.

Ayon kina Ana at Roxee, kahit ano’ng mangyari at kahit dalawa lang silang kaibigan ni Marian, mananatili ang suporta nila rito. Parati silang andiyan para kay Marian.

Sabi ni Marian, marami siyang itinuring na inakala niyang mga tunay na kaibigan. Pero hindi pala. “Wala akong pakialam kahit isang libo pa silang magkakaibigan. Basta kayong dalawa nasa akin,” maigting na sambit ni Marian.

Kabilang kaya sa mga inakala niyang kaibigan sina Lovi Poe, Heart Evangelista, Bela Padilla at Sam Pinto?

BBP
Wala kaming masabi sa pinaguusapang lovelife ni Mommy Dionisia Pacquiao. Pati pari sa parokya ng simbahan namin, updated. Binanggit nito ang lovelife ni Mommy Dionisia sa misa nito noong nakaraang Linggo.

Anang pari, nabasa niya sa isang broadsheet na in a relationship si Mommy Dionisia sa isang much younger man. “Napakasuwerte naman ng boyfriend ni Mommy Dionisia. Daig pa niya ang tumama sa lotto. Insured na siya,” anang pari na mahilig din sa mga showbiz tsika.

See? Pati pari, hinuhusgahan ang intensiyon o motibo kay Mommy Dionisia ng kanyang boyfriend. Pero deadma lang ang pacmom sa mga panghuhusga ng ibang tao sa kanyang BF. Mukhang BBP (bulag, bingi at pipi) ang mommy dear ni Manny Pacquiao.

Excited
Nag-taping na si KC Concepcion sa “Ikaw Lamang” Book 2 kung saan gumaganap siya bilang Natalia. Excited and honored siyang maging bahagi ng naturang primetime series ng ABS-CBN na hatid ng Dreamscape Productions. Sa plug shoot ng pagsisimula ng Book 2 ng “Ikaw Lamang” ay ipinapakita na si KC.

Several months ding nabakante si KC sa teleserye na ang huli’y ‘yung pinagsamahan nila ni Judy Ann Santos. Ano nga ba’ng title nu’n?

Kasama pa rin sa Book 2 ng “Ikaw Lamang” sina Kim Chiu at Coco Martin. Nawala si Jake Cuenca. Pasok naman sina Christopher de Leon , Amy Austria, Joel Torre, Rio Locsin, Smokey Manaloto, Arlene Muhlach at Mylene Dizon.

comments