Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Matteo on Sarah: ‘She’s worth everything’

Matteo on Sarah: ‘She’s worth everything’

SARAH Geronimo

FOR sure, kilig-kiligan si Sarah Geronimo sa mga pahayag ni Matteo Guidicelli sa “The Buzz” tungkol sa kanilang relasyon. Ani Matteo, very proud siya kay Sarah. His family loves her.

“She’s worth everything. She’s very true. I don’t wanna lose her,” bahagi ng pahayag ni Matteo.

Ayon pa sa Kapamilya actor, parati niyang ipinagdarasal na sana’y sila na ni Sarah ang magkatuluyan. Nakakakilig ang message niya kay Sarah, “You know how much I love you. Enjoy life. You only live once.”

Mahal ang tawagan nila sa isa’t isa at “All of Me” ang kanilang theme song na kinanta pa nang a capella ni Matteo.

MATTEO Guidicelli

Walang tampo
Super ingat sa kanyang mga pananalita si Matteo dahil aniya, malaki ang respeto niya sa pamilya ni Sarah. Ipinaglaban daw siya ni Sarah sa mga magulang nito. Naging honest lang daw siya sa nararamdaman niya for her, kaya siguro natanggap ng mga magulang nito ang kanilang relasyon.

Hindi sinabi ni Matteo ang exact date kung kalian sila naging officially together ni Sarah. Basta aniya, last year pa at isinapribado nila ’yun bilang respeto sa pamilya ni Sarah. Ayon pa kay Matteo, since five years ago ay gusto na niya si Sarah.

Itinanggi rin niyang nagtampo siya kay Sarah dahil hindi ito sumama sa kanya sa “Ironman” triathlon event sa Cebu kamakailan. May sakit daw ang kanyang girlfriend at kinansela nga nito ang kanyang mga appointment.

PHIL Younghusband

Dating stage
Nasa dating stage pa lang daw sina Phil Younghusband at Bangs Garcia. Hanging out pa lang sila at hindi pa sila officially a couple, ayon kay Phil. Enjoy-enjoy lang muna sila sa company ng isa’t isa. They have so many things in common, ayon pa kay Phil.

Naka-move on na raw siya sa break-up nila ni Angel Locsin and he’s happy for her. No more pain, no more bitterness nang nakipagbalikan si Angel kay Luis Manzano.

BANGS Garcia

Natsikang diumano’y si Phil ang father ng anak ng daughter ni Melissa Mendez. Itinanggi ito ni Melissa at iba raw ang tatay ng apo niya. Mula sa isang mapagkakatiwalaang source, isang Brapanese (Brazilian-Japanese) model-aktor-aktoran ang nakabuntis sa anak ni Melissa.

comments