Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gina magsasalita na in defense of Geoff

Gina magsasalita na in defense of Geoff

GEOFF Eigenmann

NO show si Carla Abellana sa grand presscon ng “Somebody to Love.” May lagnat daw ang Kapuso actress. Hindi kaya iniwasan lang ni Carla na tanungin siya ng entertainment press tungkol sa patuloy na patutsadahan nila ng ex-boyfriend niyang si Geoff Eigenmann sa kanilang respective Instagram accounts?

Bagaman wala silang binabanggit na mga pangalan, obvious naman kung sino ang pinaparinggan nila. Nagpasaring na rin kay Carla ang manager ni Geoff na si Perry Lansigan.

’Heard, magsasalita na rin si Gina Alajar in defense of her son, Geoff. Mukhang bad break-up talaga ang nangyari kina Geoff at Carla.

Birthday offering
Sa presscon pa rin ng “Somebody to Love,” sinurpresa ng entertainment press si Mother Lily Monteverde. Kinantahan at hinandugan nila ito ng birthday cake.

Turning a year older ang Regal Matriarch on Aug. 19 at pinasalamatan niya ang entertainment press sa suporta ng mga ito sa Regal Entertainment na 52 years nang gumagawa ng pelikula.

“Mahal ko ang entertainment press. I love showbiz. This is where I belong. The entertainment press will be forever in my heart. Malaki ang tulong n’yo sa mga pelikulang ginagawa ng Regal. Kahit bihira nang gumawa, andiyan pa rin kayo. I want to prove that the industry is not dying. It is not controlled by the networks,” wika ni Mother Lily.

Dahil wala siyang sariling TV network para i-promote ang mga Regal movies, umaasa na lang siya sa entertainment press. By the way, birthday offering ni Mother Lily ang “Somebody to Love” na opening day on Aug. 20.

Wagi
Sobrang proud ang GMA Network sa kanilang artists na nanalo ng awards sa nakaraang Cinemalaya Indie Film Festival (Cinemalaya X). Nanalong Best Actor si Robert Arevalo sa “Hari ng Tondo” sa Director’s Showcase. Napapanood si Arevalo sa “Ang Dalawang Mrs. Real.”

Si Dante Rivero na napapanood sa “Niño” ay nanalong Best Actor sa “1st Ko si 3rd” sa New Breed category. Best Supporting actress naman si Barbie Forteza sa “Mariquina.”

Napapanood si Barbie sa “The Half-Sisters.” Best Supporting Actor naman si Miggs Cuaderno sa “Children’s Show”. Napapanood si Miggs sa “My BFF’ at “Tropang Pochi.”

Best Supporting Actress naman si Cris Villonco sa “Hari ng Tondo.” Kasama siya sa cast ng “Ang Lihim ni Annasandra” na pagbibidahan ni Andrea Torres.

Iginawad naman kina Elmo Magalona at Chynna Ortaleza ang Special Citation for Ensemble Acting para sa “#Y”.

comments