Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Pre-nuptial agreement pag-uusapan pa nina Dingdong at Marian

Pre-nuptial agreement pag-uusapan pa nina Dingdong at Marian

marian and dingdong

NAGPAPAGAWA na ng bahay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, and hopefully after their wedding on Dec. 30 this year, doon na sila titira. Somewhere sa Metro Manila ang magiging love nest ng soon-to-be husband and wife.

Wish ni Marian na dumating ang kanyang daddy mula sa Spain para ito ang maghatid sa kanya sa altar. May exclusive coverage ang GMA7 ng forthcoming wedding nina Dingdong at Marian na gaganapin sa Immaculate Conception Cathedral.

Wish din ng Kapuso Primetime Queen na as soon as possible after their wedding ay mabuntis na siya dahil gustung-gusto na niyang magka-baby sila ni Dingdong. “Gusto ko ng maraming anak dahil solong anak lang ako. Masarap,masaya ang malaking pamilya,” ani Marian.

May lahi silang kambal, kaya wish niyang magkaanak ng kambal. “Okey na rin kahit hindi kambal, basta healthy baby,” ani Marian.

Hindi pa nila masabi kung saan ang honeymoon pagkatapos ng kasal. Ayon kay Dingdong, parati naman silang nagta-travel ni Marian tuwing katapusan ng taon.

Perfect wife
Sa presscon na ipinatawag ng GMA7 para sa royal announcement ng wedding nina Dingdong at Marian, tinanong ang Kapuso Primetime King kung bakit si Marian ang pakakasalan niya at gustong makasama for the rest of his life.

“Nakita ko kung gaano kahalaga sa kanya ang pamilya ko at ang pamilya niya. Mahal niya ang pamilya ko. She’s a perfect wife! Willing siyang mag-sacrifice at priority niya ang family,” sambit ni Dingdong.

Sabi naman ni Marian, “Bukod sa guwapo siya (laughs) at mabait na tao, dadalhin ka niya sa magandang pananaw. Maganda ang ugali niya. Hindi siya sulsulero. Gina-guide niya ako para maging mabuting tao. Good influence siya.”

Ayon pa kay Marian, dream wedding niya ang ikasal siya sa simbahan dahil sagradong Catholic siya. More than five years na ang BF-GF relasyon nila ni Dingdong at ani Marian, kilalang-kilala na niya ang kanyang fiance’.

“Wala siya ni katiting na pagkukulang. Suwerte ako na si Dong ang partner ko. Never niya ako pinigilan sa career ko. Siyempre, mag-iiba na ang buhay ko pag may asawa na ako. Bahala na ang Triple A (her management company) pagdating sa career ko.”

Imbitado ba sa kasal nila ni Dingdong si Popoy Caritativo, her former manager? “Oo naman. Mahalaga siya sa akin. Mahal ko siya. Malaki ang naitulong niya sa akin,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Marian.

Invited din kaya sina Heart Evangelista, Lovi Poe at Bela Padilla? Abang-abang na lang pag may time.

Pre-nup agreement
May pre-nuptial agreement ba sila? Ayon kay Dingdong, pag-uusapan pa nila ’yun ni Marian. “It’s part of our agenda,” he said.

Ayaw raw nilang magkaroon ng problema sa finances. Never naman daw silang nagka-problema sa pera at ayaw nilang mangyari sa kanila ’yung nangyari sa ibang couple na pinag-aawayan ang pera.

Hindi naman sinagot ni Dingdong kung totoo bang worth P4 million ang ibinigay niyang engagement ring kay Marian. Aniya, ang mahalaga, isang big blessing sa kanila ang magaganap na wedding nila.

Sagot niyang lahat ng gastos, maliban sa wedding shoes ni Marian na ito ang bumili.

O, siya, abangan nalang ang wedding ng “royal couple,” ang Primetime King and Queen ng GMA. Congratulations and best wishes to Dingdong and Marian.

comments