Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Matteo de numero ang kilos

Matteo de numero ang kilos

Matteo Guidicelli

PASADO si Robin Padilla bilang host ng “Talentadong Pinoy 2014” bagaman ayaw niyang tawagin siyang host. Action star daw siya. Ang ipinakilala niyang host ay ang misis niyang si Mariel Rodriguez-Padilla.

Mula umpisa hanggang katapusan ng TP 2014 ang exposure ni Robin at maayos niyang naitawid ang pagiging host. Sa umpisa ng programa, nagbigay-pugay siya kay Ryan Agoncillo na siyang original host ng TP at kay Willie Revillame na kinunsidera ng TV5 na ipalit sana kay Ryan.

Sana lang baguhin ni Robin ang kanyang hairstyle. Hindi bagay sa kanya. Okey na ’yung outfit niyang mala-action star dahil action star naman siya. Si Mariel, as always, kering-carry ang mag-host. Ang ganda ng gown niya, created by Eric delos Santos. Okey rin si Tuesday Vargas na pansundut-sundot ang pagiging komedyante. Tamang timpla silang tatlo sa TP 2014.

Live telecast
Simula sa Aug. 30, mapapanood sa TV5 ang live free telecast ng mga laro ng Gilas Pilipinas (GP) at 6:30 p.m. Ang GP ang unang basketball team ng bansa na muling babalik sa world basketball stage after 40 years.

Matatandaang noong nakaraang taon ay tinutukan ang mga laro ng GP na ginanap dito sa ating bansa. Ang susunod nilang laban ay mapapanood sa Sept. 1, 2 a.m. at 11:30 p.m. Ito’y dahil na rin sa scheduling at time zone difference natin sa Spain.

Subalit huwag mag-alala ang basketball fanatics dahil ang huling laban ng GP ay mapapanood sa primetime on Sept. 3 at 7:30 p.m., and sa Sept. 4 at 8 p.m.

Wife material
Kilig-kiligan na naman for sure si Sarah Geronimo sa sinabi ni Matteo Guidicelli na wife material siya. Desidido at seryoso ang Kapamilya actor na sa tamang panahon ay si Sarah ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama for the rest of his life.

Mukhang the feeling is mutual dahil hindi ipaglalaban ni Sarah si Matteo sa kanyang parents kung hindi rin siya sigurado sa nararamdaman niya for him.

Si Matteo lang ang ipinaglaban ni Sarah. She is 26 years old and four years from now, liyebo trenta na siya. By that time, mag-iisip-isip na rin siyang magkaroon ng sariling pamilya.

Bagaman open na sina Matteo at Sarah sa kanilang relasyon, hindi pa rin maitodo ni Matteo ang pagsasalita. Ingat na ingat siya noong presscon ng “Somebody to Love.” Aniya, fresh o bago pa lang ang kanilang relasyon. Sobrang respeto niya sa mga magulang ni Sarah.

May tsikang nakarating sa amin na kapag nagpupunta si Matteo sa bahay nina Sarah, diumano’y pinagpapakitaan siya ng hindi maganda ng mga magulang ng dalaga. Pinagtitiisan at pinagpapasensiyahan na lang daw ni Matteo.

comments