Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » LT suffers fall, under observation

LT suffers fall, under observation

Lorna Tolentino

HINDI malinaw sa lumabas na report kung bakit nadulas si Lorna Tolentino sa Greenhills. Naglalakad ba siya o may natapakan kaya siya nadulas?

Diumano’y masama ang pagbagsak niya sa may bandang puwitan. Sana naman, walang maging masamang kumplikasyon ang pagkadulas ni LT na as of press time ay under observation pa.

Sa pagkaalam namin, delikado sa mga may edad na (LT is 50 years old or so) kapag nadulas dahil malulutong na ang mga buto.

Ayon sa balita, baka lagyan ng brace ang kanyang puwitan na sasakop sa kanyang balakang o isang makabagong treatment ang gagawin sa aktres para isemento ang kanyang buto.

Knockout agad
“Isang Linggong Pag-ibig” ni Imelda Papin kaya ang theme song ni Mommy Dionisia Pacquiao at ng 38-year-old boyfriend niyang si Michael Yamson? Feb. 14 this year sila nagkakilala sa isang karaoke bar at Feb. 20 ay naging officially together na sila.

Mabilis pa sa mga suntok ni Manny Pacquiao sa boxing arena ang pag-iibigan ng kanyang Mommy Dionisia at ni Michael.

Agad-agad, knockout si Mommy D at bumigay na kay Michael. At take note, buong ningning na ipinagmamalaki pa ni Mommy D na active ang kanilang sex life. Nakabog niya si Madam Auring na mahilig ding pumatol sa mga lalaking mas higit ang kabataan sa kanya.

Hindi raw tutol ang pamilya ni Michael kay Mommy Dionisia. Halimbawa kayang hindi siya ang naging ina ni Manny Pacquiao, tanggapin pa rin kaya si Mommy D ng pamilya ng kanyang BF kahit malaki ang agwat ng kanilang edad?

Bagong screen name
Natalie Hart na ang bagong screen name ni Princess Snell na produkto ng “Starstruck 5.” Makatulong naman kaya sa kanyang career ang pagbabago niya ng screen name?

Sa “Somebody to Love,” Natalie Hart na ang gamit niya. Aniya, si Roselle Monteverde and her new manager, Leo Dominguez, ang nagbigay ng bago niyang screen name.

Talent ng GMA Artist Center si Natalie pero nagpa-release na siya ng kontrata. Wala naman daw kasing masyadong trabahong naibibigay sa kanya. Three and a half years daw siyang naghintay at umasa na may mangyayari sa kanyang career. Pero waley (as in wala).

Naisip daw niyang mag-quit na lang sa showbiz at mag-aral na lang muli sa Australia kung saan ’andun ang kanyang pamilya.

Pero nagkita sila ni Leo Dominguez at inalok siyang ima-manage ang kanyang career. Isinama siya sa cast ng “Somebody to Love” kung saan isang mistress ang role niya.

Ayon kay Natalie, type niya ang sexy and daring roles. “Gusto ko rin ng kontrabida role. Ayoko ng sweet o kawawa role dahil mestisa ako. Hindi kapani-paniwala kung inaapi ako,” sambit ni Natalie.

comments