Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » GMA7 stocks shares, bigay ni Pacman sa isang aktres

GMA7 stocks shares, bigay ni Pacman sa isang aktres

KRISTOFFER Martin (right) with Kerby Salazar, project head at youth summit in Cavite

PAHULAAN kung kanino ibinigay ni Manny Pacquiao ang shares of stocks niya sa GMA7. Sa isang aktres daw ibinigay lahat ni Pacman. Na-link siya noon kina Krista Ranillo, Ara Mina at Princess Snell na Natalie Hart na ngayon ang screen name.

Alam kaya ’yun ng misis ni Manny na si Jinkee? Suwerte naman kung sino ang aktres na nabiyayaan ng malaking grasya ni Pacman. Aamin ba naman?

Big challenge ito sa entertainment press na tuklasin kung sino ang masuwerteng aktres. Sooner or later, mapapangalanan kung sino siya. Abang-abang na lang pag may time.

First time
First time ni Kristoffer Martin nakadalo sa isang leadership seminar kung saan nagbahagi siya ng inspirational talk para sa mga youth leaders sa lalawigan ng Cavite.

Sa temang “Organizing New Young Leaders of Tomorrow,” nakilahok ang Kapuso star at GMA Artist Center talent sa 3rd General Trias Youth Leadership Summit na ginanap kamakailan sa auditorium ng Lyceum of the Philippines sa General Trias, Cavite. Si Councilor Kerby Salazar ang project head.

Nai-post ni Kristoffer sa kanyang Instagram account kung gaano siya kasaya sa mainit na pagtanggap ng youth leaders sa naturang event. Aniya, almost 700 students ang dumalo sa seminar at sobrang appreciative ang mga ito at naramdaman niyang nakikinig ang mga ito sa kanya.

Pinasalamatan ni Kristoffer ang mga estudyante at sana raw ay maraming natutuhan ang mga ito sa kanyang inspirational talk.

Nagtatanong naman ang fans ni Kristoffer kung ano raw ba ang bago niyang project sa GMA? Huling teleserye niya’y “Paraiso Ko’y Ikaw” with Kim Rodriguez.

Napapanood lang si Kristoffer sa SAS (“Sunday All Stars”).

Kiko-Estrada

Balik-GMA
Balik-GMA si Kiko Estrada matapos siyang gumawa ng ilang teleserye sa ABS-CBN. Pumirma siya ng kontrata sa GMA Artist Center.

Kasama si Kiko sa “Strawberry Lane” with Jake Vargas, Bea Binene, and Kim Rodriguez. Nagkatrabaho na ang apat na bagets sa “Reel Love Presents: Tweenhearts.”

Hindi kaya sa pagsasamang muli nina Kim at Kiko ay magkaroon na sila ng “something”? Nagkatrabaho sila sa isang indie film at hatid-sundo noon ni Kiko si Kim sa bahay ng huli. Ang press release nila’y friends lang sila.

This time, ganu’n pa rin kaya ang status nila? Ayon sa isang source, naipakilala na ni Kiko sa kanyang parents (Cheska Diaz at Gary Estrada) si Kim.

Noong nakaraang birthday ni Gary (May 16 this year), nag-effort si Kim na pumunta sa Tiaong, Quezon kung saan ginanap ang birthday celebration ng daddy ni Kiko.

comments